Sunday, November 30, 2008

Invisible To You

Hayzzz... ang kabataan nga naman. Ibang iba na talaga ang henerasyon ngayun. Dati-rati, si BOYLET ay kinakailangan pang magsibak ng kahoy at mag-igib ng ga-dosenang balde para lang mapalapit sa GURLAH. 
Ngayun... OMG... kulang nalang ay mag- lap dance pa si GURLAH para lang mapansin ni BOYLET!!! 

GURLAH: Coach, bakit siya ganun? Ang manhid niya??!!! Kanina pa ako nagpapapansin! Ni hindi man lang siya makaramdam!
Blogger: Baka naman kasi Judingger-Z ang papables mo?
GURLAH: Hindi coach.... lalake siya.
Blogger: Hmmm... looks can be deceiving, you know.
GURLAH: Eh si BOYLET po yun eh. Diba kayo din nagsabi na barako siya?
Blogger: Ay, uu nga.

Lumipas ang mga isang buwan siguro. Akala ko'y natapos na ang kahibangan ni GURLAH kay BOYLET. Ngunit isang gabi...

GURLAH: Hoy ano ka bah! Ba't ang manhid mo?!! Kanina pa kita inaayang sumayaw... ba't ayaw mo?
BOYLET: Ha? Di kaya... cge sayaw tayo!

(Background Music: Disturbia  by Rihanna)

GURLAH: Coach, bakit ganun? Pag kami nagsasayaw, ni hindi niya man lang ako hawakan?
Blogger: Sigurado ka bang hawak ang gusto mo o yapos?
GURLAH: Coach naman! 
Blogger: Hayyzz... kasi naman. Ang obvious mo kaya. 
GURLAH: Eh, I like him eh.
Blogger: Exactly! You like him and you're making it too easy for him. Tsk, di mo ba alam na ang mga lalake, they usually like challenges?

(After mga ilang dance music pah...)

Blogger: Tsk, pag nakikipagsayaw ka, wag masyadong mabilis... dapat slow and easy ang galaw. The goal is to seduce.... not to tire him.

(Tamang-tama namang tumugtog ang kantang Low by Florida.... subalit pagkatapos nito...)

GURLAH: Coach, ayoko na! Nakakainis siya. Ano ba ako? Invisible?
Blogger: Tsk, hay naku... kailangan mo ng crash course training sa "How to Deal with Boys - 101".
GURLAH: (halos mangiyak-ngiyak) 
Blogger: Hayaan mo na. Pasalamat ka nalang at kahit na halos i-alay mo na ang sarili mo sa kanya eh ginalang ka pa rin niya. 
GURLAH: (Sniff, sniff)
Blogger: Isa pa, if you're looking for someone to rid you of your innocence... wag na siya, he can break your heart in the process. 
GURLAH: Pero...
Blogger: Mr. Right will come along soon enough. Right now, let's just enjoy the music.

No comments: