AHAHAHAHAH!!! Maligayang bagong taon sa inyong lahat!!! Sana'y ang lahat ay nagkaroon ng kahit isang masayang ala-ala sa 2008 para naman kahit papano'y hindi lang kahirapan at taas ng pamasahe't bilihin ang maalala sa taong ito.
Sana'y sa 2009:
umunlad ang mga naghihirap
magkaroon ng sapat na pagkain para sa lahat
magpahinga muna ang mga walang pagod sa pakikipag-giyera
mas tumatag pa ang mother nature laban sa mga mapag-samantala
madiskubre ang mga gamot para sa mga uber grabeng sakit
makarma ang mga corrupt
ma-inlove ang mga tigang (para naman magkaroon na ng love life at sex life na rin)
manalo pa si Manny ng maraming laban...wakekekek
MALIGAYANG BAGONG TAON SA LAHAT!!!!