Wednesday, October 22, 2008

HAPPY HALLOWEEN!

Habang inaantay kong magreply sa YM ang pinakamamahal kong nobyo na uber busy...na walang panahon para maghelo man lang sa YM...na parang ikababawas sa kanyang pagkatao ang magreply!!!! (issssh!!!............ooops...nag-rant? Waheheheh...tsk...sorry...balik tayo sa orihinal na usapan).

So, hayun na nga...habang nag-aantay ako ng reply ay nagawi ako sa isang site na puro mga "ghosts" at mga "hauntings" and thema. Siyempre, dahil trip ko ring tinatakot ang sarili ko...

1:02 AM
THE SEA VIEW HOSPITAL...dating ospital ng mga may sakit na TB. Naging rehabilitasyon din ito ng mga baliw. Nasa New York ang ospital na to. Pinatayo nung 1913 dahil na rin sa TB outbreak sa lungsod nung 1903.

Sa kasalukuyan, di na ito ginagamit...

Heto siya sa umaga:

Heto naman siya sa gabi:


Kita niyo ba ang lalakeng naka-straight jacket sa upper left window? Hindi? Click mo kasi yung picture para lumaki...kita mo na? Astig no? Permanent resident siya ng ospital. Malamang ay walang nag-claim sa kanya nung pasara na ang ospital. Nag-aatay parin siguro na may kapamilya siyang magmamalasakit na iuwi siya. Tsk.

2:26 AM
SAINT BOTOLPH'S CHURCH..isang simbahan na pinatayo bago pa man ipanganak ang lola't lolo ng lola't lolo ko. Nasa Englatera ang simbahang ito. Kung titignan...parang normal na simbahan lang. Maliit lang...simple...itinayo nung 11th century...uber old na...pero carry lang.


Heto naman ang loob ng simbahan:


Napansin niyo rin ba siya? Si manang...naki-eksena sa picture. Ang letratong ito ay kinuha ng isang Chris Brackley nung 1982. Sinasabing isa siya sa mga masugid na deboto ng simbahan...at hangang ngayun ay nagdadasal parin dun kahit na patay na siya...OMG...manang naman! Uber devotion na yan!

Maghahanap pa sana ako ng mga pics...pero...kinikilabutan na ngay ako. Gawin ko nalang ulit sa umaga. Para maliwanag.

Tuesday, October 21, 2008

Goodluck sa Wave 28

Heto na talaga. True na talaga eto. Last, last week...pumayag ang mga bossing na i-extend ang Wave 28. Kung titignan kasi talaga ang mga iskor ng mga ahente sa scorecard...eh talagang bagsak sila.

Tiger Lily: What do you think is the reason why they are failing.
Blogger: Comms...comms..and...hmmm, did I mention comms? Ah, and yes, sometimes common sense...but I believe that they are getting used to the calls now. They sound better than their 1st week...that, I can assure. They still suck but they are not far from some of the agents that are on the floor right now.
Bossing: Are they ready for production?
Blogger: Nope. But they will survive. They have to.

At hayun na nga. so..matapos ang 1 week of extension...nandahil naman sa kaguluhan sa schedule ay inextend ulit sila ng isa pang linggo.

Blogger: Guys, you will have to report to me for one more week.
Cutie Pie: Yey!!! Coach, I like that...I'm suffering from seperation anxiety na kanina eh.
Blogger: Lord!
Compused: Oo nga Coach...ako din. It's good that we are extended. I don't want to go to production anymore.
Ranma 1/2: Coach, is there a way that we could stay here in OCP forever?
Blogger: Errrr....
Young Mind: Yes coach...I promise...there will be lesser escalations!
Blogger: Hasssows!! Don't promise things that you cannot keep!!!
Mother Theresa: Coz coach...we're afraid.
Blogger: Afraid of what? You guys were scared of me on the 1st week. You got over that. You'll do the same thing in production. DO IT OR DIE TRYING!

Kanina (October 19, 2008, 10:00 PM) nagkita-kita kami sa Mapulang Leon. At parang deja-vu na naman ang usapan.

Brick Wall: Coach, final na ba talaga? Wala na bang extension ulit?
Blogger: Ngak. Heto na naman tayo...hanu ba kayo? You have to get used to the idea already, people. There's no stopping the movement now.
Ranma 1/2: Coach...natatakot talaga ako promise...parang gusto ko ng magresign.
Blogger: Punyeta. Ngayun mo sasabihin yan? Eh para san pa lahat ng pinaghirapan mo? Ng pinaghirapan namin para sayo?
Ranma 1/2: Eh pano naman Coach, ang tawag ng mga future team mates ko sa coach namin eh Little Bitch. Parang papatayin naman niya ako.
Blogger: OMG. I told you before to expect the worst. But I never said to give up early on the battle. That's for quitters.
Compused: Eh coach...feeling din kasi namin they don't like us. Tapos sabi rin ng iba sa floor...Bitch din yung magiging coach namin.
Blogger: Errr...well...you don't expect them to be warm and fuzzy on the 1st few weeks. Kayo yung bago eh. You have to adjust to them. And one more thing...you did not apply here to win Mr. or Ms. Congeniality Award. You're here to work for yourselves and your family.

Haaayzzz. Kung ako rin lang ang masusunod...di ko na pakakawalan tong mga ahenteng ito. Kung pwede lang...I'll carry them over to production. Wala akong paki-alam kahit na puro baguhan silang lahat. Yun nga lang...kelan ba naging "what i want" ang propesyon ko? It has always been "what the boss wants...".

Kaya sa WAVE 28...goodluck sa mga bagong yugto ng buhay niyo.

Monday, October 20, 2008

CITADEL PARTY (2nd attempt)

ANO NA MGA KAPAMILYA?
KELAN BA ANG MGA DAY-OFF NIYO JAN?
KELAN BA MATUTULOY ANG BONGGANG RE-UNION SA
BAHAY NILA OM CARL??
MAGPAPASKO NA NAMAN, HINDI PA NATIN
NAIPAGDIDIWANG ANG ARAW NG MGA BAYANI
NUNG AUGUST AT NGAYUN, PATI BA NAMAN
HALLOWEEN PALALAMPASIN NATIN?

Tuesday, October 14, 2008

Wallpaper for the day

RF Online

Tuesday, October 7, 2008

Wallpaper for the day

The Palace

Wednesday, October 1, 2008

Blast from the Past


It all happened by chance. I've always wanted to know kung anong mararamdaman ko if I get to talk to him again. Will I be excited? Will I still feel or think na maybe I made the wrong decision when I agreed to break up with him?

During that fateful night, I felt like I was looking at myself from a distance, watching my own reaction, waiting...looking for any signs that will prove that I am still in love with him. But after two hours of talking, joking and reminiscing...

Blogger:(hindi alam kung anong demonyong nag-udyok para pumunta sa lugar na yun...tingin-tingin sa paligid. Hinahanap ang mga dapat ay pamilyar na mukha sa dagat ng mga estranghero).
Eric: Vidz! Buti nakarating ka!
Blogger: (yakap kay Eric) Hi!!! Heheh...sandali lang ako pwede.
Eric: Ano ka ba, ngayun na nga lang yung reunion eh!

Pumasok na kami...at dun na nagsimulang humiwalay ang aking sarili sa aking katawan nung nakita ko siya. Hindi siya nagbago...he looks so much like the boy that I met way back in the freshman days of our college years.

Ngumiti siya nang makita niya ako. Nginitian ko naman silang lahat. Hindi ko sinasadya...subalit tumabi ako kay Edward. Hindi dahil ayoko siyang tabihan, kundi dahil masyadong masikip pag sa tabi niya ako pumwesto.

Eric: O, bakit parang umiwas ka ata? Dapat tabi kayo ni Kel. Edward, dito ka nga sa tabi ko!
Blogger: Hanu bazz...
Kel: Vidz, ano sayo? Red Horse? Light?
Blogger: (Ha? Mukha na ba akong sunog-baga?) Er...no, I can't drink.
Kel: KJ naman oh...
Edward: Tignan mo si Eric o, umiinom na rin.
Roemon: Oo nga...kahit minsan lang.
Blogger: Hindi talaga pwede. Mag Shirly Temple nalang ako...
Kel: Naks! So sossy naman.
Blogger: Di naman...
Eric: Oo nga eh...may bangs bangs ka na rin ngayun.
Kel: Mukha ngang pati buhok naka-rebond na rin eh.
Roemon: Pati pag-upo, naka cross legs. Sosyal na sosyal na!
Blogger: Mga packsyet kayo! Pinapunta niyo ba ako rito para asarin?

And from then...ok na. Sa loob loob ko I finally realized that after 3 long years, I have proven na wala na nga talaga. Dati kasi, theory lang yun...yung tipong, you say: "Ofcourse I'm over him already...haler...that's like so 10 years ago noh..."
Pero iba pa rin talaga pag nagkaharap kayo at nagkausap ulit...
What remained now is just the friendship. And I thank God that we were able to save that.

I'm glad I decided to join them that night...because the one ghost that has been haunting me since I fell in love with Glen...has finally been laid to rest.