Wednesday, October 22, 2008

HAPPY HALLOWEEN!

Habang inaantay kong magreply sa YM ang pinakamamahal kong nobyo na uber busy...na walang panahon para maghelo man lang sa YM...na parang ikababawas sa kanyang pagkatao ang magreply!!!! (issssh!!!............ooops...nag-rant? Waheheheh...tsk...sorry...balik tayo sa orihinal na usapan).

So, hayun na nga...habang nag-aantay ako ng reply ay nagawi ako sa isang site na puro mga "ghosts" at mga "hauntings" and thema. Siyempre, dahil trip ko ring tinatakot ang sarili ko...

1:02 AM
THE SEA VIEW HOSPITAL...dating ospital ng mga may sakit na TB. Naging rehabilitasyon din ito ng mga baliw. Nasa New York ang ospital na to. Pinatayo nung 1913 dahil na rin sa TB outbreak sa lungsod nung 1903.

Sa kasalukuyan, di na ito ginagamit...

Heto siya sa umaga:

Heto naman siya sa gabi:


Kita niyo ba ang lalakeng naka-straight jacket sa upper left window? Hindi? Click mo kasi yung picture para lumaki...kita mo na? Astig no? Permanent resident siya ng ospital. Malamang ay walang nag-claim sa kanya nung pasara na ang ospital. Nag-aatay parin siguro na may kapamilya siyang magmamalasakit na iuwi siya. Tsk.

2:26 AM
SAINT BOTOLPH'S CHURCH..isang simbahan na pinatayo bago pa man ipanganak ang lola't lolo ng lola't lolo ko. Nasa Englatera ang simbahang ito. Kung titignan...parang normal na simbahan lang. Maliit lang...simple...itinayo nung 11th century...uber old na...pero carry lang.


Heto naman ang loob ng simbahan:


Napansin niyo rin ba siya? Si manang...naki-eksena sa picture. Ang letratong ito ay kinuha ng isang Chris Brackley nung 1982. Sinasabing isa siya sa mga masugid na deboto ng simbahan...at hangang ngayun ay nagdadasal parin dun kahit na patay na siya...OMG...manang naman! Uber devotion na yan!

Maghahanap pa sana ako ng mga pics...pero...kinikilabutan na ngay ako. Gawin ko nalang ulit sa umaga. Para maliwanag.

No comments: