Wednesday, October 1, 2008

Blast from the Past


It all happened by chance. I've always wanted to know kung anong mararamdaman ko if I get to talk to him again. Will I be excited? Will I still feel or think na maybe I made the wrong decision when I agreed to break up with him?

During that fateful night, I felt like I was looking at myself from a distance, watching my own reaction, waiting...looking for any signs that will prove that I am still in love with him. But after two hours of talking, joking and reminiscing...

Blogger:(hindi alam kung anong demonyong nag-udyok para pumunta sa lugar na yun...tingin-tingin sa paligid. Hinahanap ang mga dapat ay pamilyar na mukha sa dagat ng mga estranghero).
Eric: Vidz! Buti nakarating ka!
Blogger: (yakap kay Eric) Hi!!! Heheh...sandali lang ako pwede.
Eric: Ano ka ba, ngayun na nga lang yung reunion eh!

Pumasok na kami...at dun na nagsimulang humiwalay ang aking sarili sa aking katawan nung nakita ko siya. Hindi siya nagbago...he looks so much like the boy that I met way back in the freshman days of our college years.

Ngumiti siya nang makita niya ako. Nginitian ko naman silang lahat. Hindi ko sinasadya...subalit tumabi ako kay Edward. Hindi dahil ayoko siyang tabihan, kundi dahil masyadong masikip pag sa tabi niya ako pumwesto.

Eric: O, bakit parang umiwas ka ata? Dapat tabi kayo ni Kel. Edward, dito ka nga sa tabi ko!
Blogger: Hanu bazz...
Kel: Vidz, ano sayo? Red Horse? Light?
Blogger: (Ha? Mukha na ba akong sunog-baga?) Er...no, I can't drink.
Kel: KJ naman oh...
Edward: Tignan mo si Eric o, umiinom na rin.
Roemon: Oo nga...kahit minsan lang.
Blogger: Hindi talaga pwede. Mag Shirly Temple nalang ako...
Kel: Naks! So sossy naman.
Blogger: Di naman...
Eric: Oo nga eh...may bangs bangs ka na rin ngayun.
Kel: Mukha ngang pati buhok naka-rebond na rin eh.
Roemon: Pati pag-upo, naka cross legs. Sosyal na sosyal na!
Blogger: Mga packsyet kayo! Pinapunta niyo ba ako rito para asarin?

And from then...ok na. Sa loob loob ko I finally realized that after 3 long years, I have proven na wala na nga talaga. Dati kasi, theory lang yun...yung tipong, you say: "Ofcourse I'm over him already...haler...that's like so 10 years ago noh..."
Pero iba pa rin talaga pag nagkaharap kayo at nagkausap ulit...
What remained now is just the friendship. And I thank God that we were able to save that.

I'm glad I decided to join them that night...because the one ghost that has been haunting me since I fell in love with Glen...has finally been laid to rest.


No comments: