Nang makauwi ako kanina sa aming humble abode (naks, wakekeke), si Mamita ay nanonood ng Pilipinas, Game Ka Na Ba...
Blogger: Hi Ma!
Edu: Anong bagay ang orihinal na gawa lamang sa papel na hapon noong unang panahon?
Mami: Parol!
Contestant: Uh, parol? Sure na?
Blogger: (buntong hininga...diretcho sa kusina...nagbukas ng mga kaldero) Ma, may pagkain ba?
Mamita: (masyadong engrossed kay Edu)
Blogger: (buntong-hininga ulit...pumanhik ng kwarto...nagpalit...naisip na matulog na lamang ng hindi na kumakain...subalit...)
Tiyan ko: krrrruuuuu- kkkrruuuu
Gutom talaga ako. Kaya't minarapat ko nalang na bumalik sa kusina. Pagkalabas ko ng kuwarto, napansin kong patalastas na.
Mami: O, ba't ganyan hitsura mo?
Blogger: (Napatingin ako sa suot ko...inakala kong madumi ito kaya nagtatanong si Mamita...pero di naman) Bakit Ma? Wat you mean?
Mami: Bente-tres ka pa lang...pero mukha ka ng trenta. Eh mukha ngang nanganak ka na ng tatlo eh! Hanu bang pinag-gagagawa mo sa sarili mo?
Blogger: (Napasulyap sa may malaking salamin na nasa aming sala...) Ha? Hindi naman!
Mami: Anong hindi?! Ikaw ha...nagpi-pills ka ba?
Blogger: Ma, anu bazz! Hindi ko kailangan yan!
Mami: Siguro...sobra kung mag-to-ne-ne-net kayo ng boypren mo noh?
Blogger: (Hay Lord...save me...please) Ma! Anu ka ba! Hindi dapat yan sinasabi ng isang Mami!
Mami: Hay, ikaw ha! Wag ka ngang makasumbat-sumbat! Hindi porket may trabaho ka na eh nagmamalaki ka na! Ang sinasabi ko lang...tignan-tignan mo ang kalusugan mo! Hindi ako nagpakahirap ng ilang taon ng pagpapalaki sa inyo para lang laspagin kayo ng ibang tao!!
Blogger: (Haynaaaaa....apuuuu) Ok, Ma.
Mami: Anong ok, ma?! Eh lahat naman ng OO mo eh oo hanggang pwet lang!
Blogger: (Er...ano ngay ang sasabihin ko?)
Mami: Hoy, ikaw...may vitamins ka pa ba?
Blogger: Wala na po...
Mami: O, eh ano na naman yan? Kelan ka bibili?
Blogger: May cash outlay para sa Vitamins sa Clinic eh...dun nalang ako kukuha.
Mami: Hay! Siguraduhin mo na kukuha ka. Mamaya niyan eh pati yan i-asa niyo sa akin!
Blogger: (buntong-hininga...pumunta ng kusina...nagbukas muli ng kaldero) (inisip kong ilang saglit nalang ay pati kasalanan ko 5-10years ago ay uungkatin ni Mamita...pagkatapos ay pati kasalanan ng mga kapatid ko'y maipapatong na rin sa balikat ko).
....nang mabuksan ko na ang pangtlong kaldero...
Mami: Nung mga bata kayo...ni hindi ako pumapayag na madapuan kayo ng lamok! Tapos ngayung malalaki na kayo, dapat naman sana'y alam niyo na kung pano alagaan mga sarili niyo....
....pumasok ako ng CR...
Mami: peyrow hindeh...halows lawhat nakawasaw...(mejo muffled yung words ni Ma...di ko masyadong naiintindihan pero alam kong she's still on the same subject).
....lumabas ako ng CR, naghugas ng kamay....wala akong magustuhan sa ulam...naisip kong nagsawa ako sa adobo at sa sinigang sa ofis...kasi halos yun yung order ko pag kakain man ako ng kanin...
Mami: Ang sabi ko sa Dadi niyo, pag lumaki na kayo ay mababawasan na ang sakit sa ulo namin. Kasi akala namin ay mas magiging responsable kayo. PERO HINDI!
....oops, narinig ko yun ah....hmmm...kailangang magsanay pa ako sa aking selective listening skills...minsan ay nakakalusot parin ang ibang sermon....
Mami: Tignan niyo ngayun! Halos mas madalas pa kayong magkasakit ngayun kesa nung mga bata kayo! Hay naku!!! Hindi ko na alam gagawin ko sa inyo!!!
....mukhang matutulog nga akong gutom. Or pwede namang idaan nalang sa Jjhamphong. Hmmm...ayaw din...I want something sweet...may puto sa table...yes!
Mami: At ang mga kapatid mo! Tignan mo, ginagaya ka nila! Hindi narin sila kumakain bago sila pumasok! Tignan mo nga yang tinuturo mo??!! Imbes na maging role model ka sana...pero hindi mo naman ginagawa!
...nakain ko ang puto...naubos in 2 bites...shucks...grabeh, gutom talaga ako...toothbrush time!!!
Mami: Hindi naman ako nagkulang ng paalala sa inyo. Wala naman kayong masasabi dahil halos sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh pinapa-alala ko sa inyo ang mga dapat niyong ginagawa.
...hilamos ng mukha...tapos lagay ng toner...tapos moisturizer....
Mami: Pag kayo nagkasakit ng grabeh, wag na wag kayong iiyak sa akin! Dahil alam ng Diyos kung sino ang may kasalanan kung bakit kayo magkakasakit! Walang iba kung hindi kayo rin!
Blogger: Ok, Ma....uh, tulog na po ako. Maaga pa ako pasok later.
Mami: Ok, gud night , anak. Cge, I love you (pumasok sa loob ng kuwarto nila ni Dadi at natulog na din).
Haaaayyyzzz...si Mami talaga...feeling ko di kumpleto ang araw pag di siya nang-a-armalite ng kahit isa sa aming magkakapatid.
Blogger: Love you Ma!
No comments:
Post a Comment