Sunday, August 31, 2008

ANG NAKARAAN....


Anu na ngayun? Sunday na naman...lumipas na ang aking bertday...pati bertday ni Roel at ni Cha...pero ...ba't wala pa ring nagpapainom?
Nyahahaha...sabi ni OM Carl..ngayung gabi daw ang reunion...subalit to be re-scheduled ulit sabi naman ng iba...
TSK...

Medjo matagal din bago ako huling pasukin ang aking blogsite... hayzzz... uber busy to the max! LORD!

Hayun na nga ....ang mga nakaraang pangyayari...

August something...basta, earlier last week:
Number 1 ang team namin...asteeeg...halos 2 weeks na kaming nandun. I was happy pero in a way...I know that it's not gonna last. The team is shaky..hindi pa ayos ang maraming bagay. Marami pang work ang kailangang gawin.

August 25:
Kelangan ko itong ilagay sa aking blog...si Collin Farell ay nakita ko na sa totoong buhay!! Juice koh!! Habang ako'y uber sub-sob sa work at mega practice ako ng aking typing skills sa computer ay bigla kong natanaw ang isa sa mga bisita ng AT&T...nagstop ang aking pag-ta-type...napatayo pa ako sa aking upuan...at napasunod sa pantry...nag-excuse na bumili ng macaroons kay Ate Janet ----all that, para lang matanaw ang mukha ni Collin Farell look alike!!! LORD!

August 26:
Umugong na ang bali-balita na may mga coaches in danger sa amin. Nyahahah...so..parang AT&T rin pala. Sabi ng iba..bang 5 time Bingo slammers na daw yung iba kaya sobrang init na sa mata ng management.

August 27:
Ang team ay bumagsak sa number 2...nalungkot ang mga ahente...pero sabi ko sa kanila...staying on the top is not a goddamned priveledge. It means you've worked hard that you deserve to be there...and when you go down...it does not mean that you're not good enough to stay there...it just means you have not given your all to stay on the spot.

August 28:
One day before the actual "theme day"...ang sa amin ay Egyptian. Hay...haggard na haggard na ako. For the past few days...nagpupunta ako sa hospital for check-ups and stuff...and the sleep that I'm getting ranges from 3-4 hours lang. LORD! Hindi ako sanay! Kadalasan ay 8-10 hours itow!!!

August 29:
Ang theme day...lord!! 2 hours in the making ang payong!!! Buti nalang at ito ang nanalo! Juice koh! A for Ayffort talaga ito! Akalain mo ba naman...parang highschool life ulit ang feeling dahil mega creepe paper at mega metallic paper ang bahay habang ginagawa ang payong na ito!!! 500 pesos din yun!
Ngunit ang malungkot na parte ay bumgasak naman sa number 8 ang team!!! OMG!!! sabi na nga ba eh...hayzzz. ang tanging nagpapaangat sa amin ay ang CSAT...at ng pumasok na nga and CSAT ng mga hindi pa tenured...ay lord...mega tumbling na ang scores. Kami'y mga bituing nawalan na ng ning-ning.

August 30:
Paghahanda para sa outing sa Aringay, La Union. Pero --- di natuloy.

August 31:
Dahil sa naudlot na big time team building...nagkayayaan nalang na lumabas sa kinagabihan. Sayang naman. 1st time lang na lahat ng agents ay may common day off! Siguro ay kantahan at videoke galore na itow!

All in all...
Ang nakaraang linggo ay naging ....stressful. Ewan ko ba. Ish!



No comments: