Friday, September 26, 2008
Phantom - her side of the story
Phantom: Sino yun?
Blogger: (heto ulit...nagbabasa ng email) Alin?
Phantom: Yung maingay...yung ang lakas lakas magtagalog...eh naturingang EOP ang office.
Blogger: (tingin sa may bandang MOD) Ahhh...si MAFO yun.
Phantom: MAFO?
Blogger: Uu...ganyan talaga yan. Feeling above the rules.
Phantom: Ganun?
Blogger: Yep.
(After ilang araw...)
Blogger: (nasa akmang pagsubo ng pancit ng biglang...)
Phantom: Aaarrrrgh!!! Nakakainis! Ang asshole ng customer! Ganito ba talaga mga customers dito? Haaayzzz. Para sa isang dolyar lang nagsisigaw na? Packsyet!
Blogger: (ibinaba ang tinidor...sabay protesta naman ang tiyan: "Huuuuwaaaaagg....ang panciiiiit....huhuhuhuh") Oo ganun talaga. Masanay ka na.
Phantom: Haaay...may callback pa ako para kay OM.
Blogger: (takam na takam nang kainin ang pancit...subalit ayaw ng istorbo sa pagsubo kaya pilit tinutuon ang pansin sa kausap) Tier 3 escalation? Bigay mo kay MAFO. Expert yun sa mga asshole customers.
Phantom: Really? Ahahaha...well, I think it would make sense. Only an ass could understand another ass.
Blogger: Tumpak ka diyan.
Phantom: Pero nakakahiya naman sa kanya. May sarili din siyang escalations.
Blogger: Sus! As if naman...eh ngitian mo nga lang yun eh pumapayag na siya sa kung anu man ang sabihin mo. Ok lang yun!
Phantom: Nge? Ganun ba talaga yun kabait?
Blogger: Errrr....
Phantom: Baka naman may ibang meaning yung kabaitan niya. It's just weird.
Blogger: (kunyari busy na sinusuri ang mga kuko) Imahinasyon mo lang yun.
Phantom: Siguro nga...and besides...I heard na he's head over heels Strawberry Jam.
Blogger: Yeah.
(Pagkalipas ng isang buwan....)
Phantom: He's really weird.
Blogger: (parang deja vu...) Weird? Meaning?
Phantom: Well...alam mo yung tipong hindi siya usual male. Mahilig siyang magbasa ng books. Tapos he is somewhat in touch with his eccentric side. Yung tipong...you know...he talks about stuff na only girls would often think of.
Blogger: Nyah??!? What are you saying? You think he's gay?
Phantom: Di naman. Tipong pwede mo siyang kausapin tungkol sa mga theories... psychology crap and all.
Blogger: Ahhhh...oo...weird nga.
(Pagkalipas ng isa pang buwan...)
Blogger: Wala ka bang napapansin kay MAFO?
Phantom: Like? Ano naman?
Blogger: He acts weird around you.
Phantom: Di ba nga...we've already establish that fact.
Blogger: Feeling ko gusto ka niya.
Phantom: (humigop ng kape...) (sabay tawa) Yeah right!
Blogger: You don't think so?
Phantom: LORD! No I don't think so...at the least...he's just amused and intrigued with me kasi I'm the new guy here.
Blogger: Ahhh...ok. Kung sabagay, may point ka.
(ngayung buwan na ito....)
Phantom: He likes me!??
Blogger: (no comment)
Phantom: Pano naman daw yun?
Blogger: Errrr...
Phantom: Maybe he just thinks he likes me...
Blogger: Well...
Phantom: Hayzzz...or maybe this is just one of his jokes. Siguro may pustahan sila nila T-Rex at Red Sky.
Blogger: Pwede rin naman.
Phantom: Mga packsyet sila. Ako pang nagawang pagtripan.
Blogger: Uuhhmm....
Phantom: May kinalaman ka ba dito? Did you know about this?
Blogger: Huh??! Ako??! Di ah! Wala akong kaalam-alam juan. Di nga kami nag-uusap eh...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
..ok..MAFO ba..o MoFo..wahahahahahh!!!
Post a Comment