Sunday, July 27, 2008

Saling Pusa....

Sa halos isang buwan na paghahawak ko ng team dito sa Kapuso Network ay may mga kaganapang naganap na rin na nakakatawa talaga...
Tulad nalang ng isyu ng ESR at PA. Nang hawakan ko ang doseng ahente, isa sa kanila ay dapat 10 years ago na regularized na...yung dalawa naman ay ilang araw nalang ay dapat gawan na ng PA.
Syempre di ko kilala ang mga ahente...alangan namang mag-imbento ako ng kani-kanilang sparkling qualities para lang maging regular sila noh??!!! HALER!
Pero hayun na nga...syempre ako...mega email....tsk....sablay pa naman akong mag-email...

Blogger email: Coach, this agent is saying that he does not have PA yet. Is he extended? From what I know, these documents are to be prepared a month prior to the regularization date....

Ang tanging punto ko lang naman ay baka nga extended yung ahente...
Pero, it was mis-interpreted....akala nila'y ipinagdukdukan kong hindi nila alam gumawa ng PA. Tsk....next time...kailangan kong maglagay ng post script sa mga email ko...like: "What I meant in this email is that...."

Tapos kamakailan lang ay may nag-approach sa akin. Kumakalat daw na may sinabi ako na si OM churva ay pinagalitan daw ang dalawang Coach dahil sa hindi nila tinulungan ang ahente ko. OMG!!! Huwaaat???

Haaaayzzz. Minsan nakakapanghina. Minsan nakakapanglumo ng loob pag alam mong saling pusa ka lang. Pero minsan lang yun.

Kadalasan....natatawa ako. Ini-imagine ko minsan na bawat salitang binibitawan ko ay pilit binibigyan ng ibang kulay ng iba. Ahahaha....weeeeellll...dead! Kung gusto nilang bigyang kulay ang lahat ng aking gagawin at sasabihin, then I'll give them crayons and watercolors! Dagdagan ko na rin ng gulay! Para talagang makulay ang buhay!!! Wakekekekeek.


Saturday, July 26, 2008

CODENAME: EROSsssssss

Alas-singko kahapon ng umaga...nanahimik ako sa aking station...ang isa sa aking ahente na naka-break ay biglang umupo sa tabi ko at sinabing:
Erotica: Coach, ano na-i-imagine mo pag nakikita mo si Eros?
Blogger: Huh? (hindi nakikinig, nagbabasa ng sandamak-mak na email habang karamihan sa mga ahente ay naka-break...packsyet...pati ba naman "I love hairy men" eh na-se-send sa buong distro???!!!)
Erotica: Coach, tumungin ka kasi ah...ayun o si Eros. Ano ang naiisip mo pag nakikita mo siya?
Blogger: (tumungin sa direksyon na tinuturo ni Miss Erotica) Siya? Ano naman ang i-imaginin ko jan?
Erotica: (buntong hininga...yung parang sa taong inlove na inlove) Ang gwapo niya kaya....diba??
Blogger: Uh...carry lang....
Erotica: Alam mo Coach, pag nakikita ko siya..para siyang pancake na may syrup...sarap kainin!!!
Blogger: (parang may dagundong ng kulog akong narining...HANU raw? LORD!!!!)
Erotica: Pag anjan siya...parang nasa ulap ako...tapos ang bango niya!!!!

Tinignan kong muli si Eros. Napansin ko ang makinis niyang mukha. Ang matangos niyang ilong. Ang mapupungay na mga pilik mata...ang kanayang mga labi. Hindi siya nagyo-yosi...kaya pink ito. Tapos ang kanyang ngiti...parang nakakatunaw. Tapos matangkad pa siya...mejo chinito...matalino...mabait...sigh.

Blogger:
(tumingin akong muli sa aking ahente) Hayzzz...hanu bang pinagsasabi mo jan. Wala namang kapansin-pansin sa lalaking yan. Kung ikukumpara mo man siya sa pagkain...isa siyang...cake na maganda ang design...pero pag kinain ay walang lasa.

Erotica: Si Coach naman eh!
Blogger: Ready mo nalang toools mo. Wag mo ng pagpantasyahan yun!

Monday, July 21, 2008

48 HOURS ...plus

10:30 AM Thurs (July 17, 2008)
Naglog-out na ako...pauwi na rin. Pamatay ang shift na iyon...habang kumukuha ako ng sandamakmak na escalations eh umiikot naman sa sakit ang aking tiyan. Packsyet...expired na yata yung Lucky Me Pancit Canton ni Manang dun sa store. Ish!
Kinailangan ko pang lumagok ng kalahating litro ng hydrite...EEWWWW.
Halos mga 2-3 lang ang tulog ko nung kinagabihan. Hay lord...
At nang magkita naman kami ng mahal kong nobyo...HALA!!! Pati siya ay masakit daw ang tiyan! OMG! It must be the PANCIT CANTON! Damn!


6:00 PM Thurs (July 17, 2008)
Wala pa akong tulog...patuloy ang paghilab ng aking tiyan...ganun din si Mahal. Hayzzz... 6 na oras nalang ay may pasok na naman ako. Alas-siyete ang pasok ni Mahal. Umuwi na ako sa amin. Dala dala ang aking laptop at iba pang mga gamit.
Mga also-otso na siguro ng ako'y makahiga sa kama.
SA WAKAS!!!!


9:00PM Thurs (July 17, 2008)
Buzzzt. Buzzzt. Buzzzzt. Buzzzt.
Ang aking alarm! Uu nga pala. Alas-onse ang pasok ko. Mas pinaaga ito dahil sa may training kami...packsyet naman....
At hindi lang iyon...kinailangang pumunta ni Mahal sa ospital dahil patuloy ang kanyang pagpupu...at may kasama pang pagsusuka.
Lord. Isinusumpa ko na ko na ang PANCIT CANTON!

....pero sabi ni Mahal...di daw yung PANCIT CANTON...yung kinain daw namin sa STAR CAFE...tsk...wish ko lang ay di nagbabasa ng blog ang may-ari ng restaurant na yun. Baka sabihin ay libel itow! LORD!


12:03m AM Fri (July 18, 2008)
Ka-lo-login ko lang sa ITKA...nagsasabi na ng escalation yung ahente ko. ANYAMETENEN. Ok payn! Work na ito! Go go go!


10:52 AM Fri (July 18, 2008)
Tapos na ang shift. Naka-confine na si Mahal. Pumunta muna ako ng town, nag-grocery ng ilang mga pagkain. Pagkatapos ay umuwi ako sa amin para kumuha ng ilang damit at para makuha na rin itong laptop. Bored na daw si mahal...gusto maglaro habang may dextrose. Hayna!
Kaya naman para akong sampayan ng bag nang ako'y makarating sa hospital sa dami ng dala.


12:15 PM Fri (July 18, 2008)
Sa Notre Dame...
Pagkatapos kong tulungan si Mahal na i-setup ang laftaf...kumain ako ng kaunti at saka pinilit na mamahinga sa may cot bed.
OMG...nakalimutan kong every 15min pala ang labas pasok ng mga "nurses" dito. Kesyo check the stats daw...kesyo check yung IV. Hayna. Tuwing nagbubukas ang pinto, nagugulat ako at nagigising. Ewan ko ba...pwede ko naman silang deadmahin. Nahihiya lang siguro ako na makatulog talaga ng mahimbing...at baka paggising ko ay may laway-laway pa...
JUICE KOH!!! Kakahiya naman dun sa cute na intern!


2:30 PM Fri (July 18, 2008)
Bzzzt. Bzzzt. Bzzzzt.
Waaaaah!!! It's my alarm again??!!
Oh yeah...rehearsals para sa kasal na Ana at ni Elton. Alas-tres yun. Hayzzz...siya sige na nga...although tempted akong wag nang pumunta... mahal ko yung dalawang yun...kaya later na ang tulog...tara na sa rehearsals!!!! Yey!!!


4:00 PM Fri (July 18, 2008)
Sa Lourdes Church..sa may Kisad..yung sa tabi ngay ng City Travel Hotel.
Di pa nagsisimula yung rehearsals...LORD! Wala pa akong isusuot para sa kasal. Autumn ang theme...hmmm...
Tsk...sobrang di na ako mapakali...nagpaalam ako sa bride. Sabi ko'y maghahanap na muna ako ng masusuot. Si Miss Miren ay nagbigay din ng mga tips tungkol sa mga kulay na angkop sa Autumn.


5:30 PM Fri (July 18, 2008)
Nyahahahahha!!! Ang galing-galing!!! Kahit papano'y di pa rin pala ako limot ni Lord. Nakahanap ako agad ng damit...plus with matching sapatos pa!!! Huwaahahahahaha!!! Pero alas-singko na. Naisip ko na baka tapos na ang rehearsals. Minabuti kong bumalik nalang sa ospital.


6:00 PM Fri (July 18, 2008)
Sa Notre Dame ulit...
Tsk...ilang oras nalang at may shift na naman ako...pero gustuhin ko mang matulog...ay hindi ko magawa. Naroon ang Mama ng aking Mahal. Siyempre..kuwentuhan ng kaunti...


7:00 PM Fri (July 18, 2008)
Sa wakas...pahinga!!!!
(Pasok ang nurse..."Ma'am, check lang po namin BP ni sir....")
After 15mins: Hay....nakaalis na rin sila...sige..tulog ulit
(Pasok ang Papa ni Mahal..."O...check ko lang kayo...")
After 20mins: Hayan...tulog na ito...Lord...maawa kayo...let me sleep please...
(Gising si Mahal...may tunog ng plastic...kumakain siya...tapos nag-CR...kain ulit. Nabangga niya ang chair...tapos binubuksan niya muli yung laftaf. "Babe, tulong naman. Angat mo naman yung bed ko...")
After 1 hourssssss: Ayos nang muli ang posisyon ni Mahal...komportable na siya...cge...idlip na ako. Heto na ito. Pramis!!!
(Bumaba muli ng bed si Mahal...inaantok na daw. Niligpit ang laftaf)
(Pasok si nurse uli...check naman ngayun yung IV)
Grrrrrrrrrrrrrrr.....


9:30 PM Fri (July 18, 2008)
Bzzzzt. Bzzzzt. Bzzzzt.
Huwaaaat??? Oras na ulit para mag-bihis??!!!
Syeeet!!!!


10:30 PM Fri (July 18, 2008)
Sa office...
Agent ko: Hi Coach!!! Aga mo today ah!!!
Blogger: Yeah...kasi I need to log-out early. I will be attending a wedding by 9AM tomorrow.


6:00 AM Sat (July 19, 2008)
OM: Vida, are you ready to present your SKEP and your Action Plans?
Blogger: Huh? Me? Errr...now?
OM: Yes, now?
Blogger: (pinagpawisan...HANO RAW? Tama ba naririnig ko? Eh ni hindi ko pa nga na-update yun after yung COMMIT training with Weng! At saka isa pa...WALA namang CALENDAR na na-send ah! THIS IS A VIOLATION!!!)
Blogger: Uhm, give me 5mins OM...let me just update it.


7:00 AM Sat (July 18, 2008)
Dapat sana'y pa-logout na ako. Pero hayun ako't nagpresent pa ng action plans. LORD naman!!!


8:14 AM Sat (July 18, 2008)
Nakauwi na ako sa amin. Syet. Hala cge...plantsa ng damit. Ligo...
Text: Coach! San ka na?
Blogger: Wait lang...maliligo lang ako.
Text: Coach dali!!! Andito kami sa City Travel. Room 412. Dito ka na magbihis!
Blogger: Ok, ok!


8:54 AM Sat (July 19, 2008)
Hayun na siguro ang pinaka-mabilis kong oras ng pagligo. Tapos nung ako'y pababa na sa taxi, alang barya daw ang damuhong taxi driver!!! 500 ang pera ko...Lord...I'm sooo late!
O cge...takbo sa 4th floor...utang kay Joyce..ala daw siyang barya. Binigyan ako ng 200 na bill. Takbo ako sa baba at ibinigay kay driver...narinig kong pinapalis na siya nung guard...
Blogger: Manong, heto po.
Driver: Ang kulit naman...sinabing wala akong barya eh!!! (tapos umandar at umalis)

PUNYEEETTAAAH!!! 200 yun!!! 43 lang yung patak koh!!!

Ni hindi ko na nakuha ang plate number. Hindi ko narin pwedeng i-contemplate pa ang aking galit. Dahil magsisimula na ang wedding. Nakadamit pambahay parin ako...
Kaya ...hala cge...takbo sa 4th floor. Suot ng damit at sapatos...


9:15 AM Sat (July 19, 2008)
Sa CR ng room 412 sa City Travel Hotel...
Joyce: Coach, tara na sa simbahan. Dun ka nalang mag make-up.
Blogger: Ok cge. (suklay, suklay)
Joyce: Tara na coach...
Blogger: Ok...(biglang natabig ang liquid foundation...at natapunan ang aking damit)


9:30 AM Sat (July 19, 2008)
Sa may Lourdes Church...
Blogger: Syeeet!! Joyce, I need tissue....
Joyce: Ok lang yan, Coach. Di naman masyadong halata.
Someone: Ang mga abay at sponsors!!! Magpila na kayo! Kanina pa nag-aantay ang pari!!!
Joyce: Kaya natin toh , Coach. This will all be over in a few minutes....

Haay...hindi ko alam kung ano ang nangyari sa linggong itoh. Pakiramdam ko'y pinagsakluban ako ng langit at lupa. Hindi ko naman mahubad yung damit...it's too late to change. Isa pa...pambahay na yung ipapalit ko kung sakali.


9:54 AM Sat (July 19, 2008)
Nagsimula na rin ang kasal sa wakas. Kung tutuusin...ito ang kauna-unahang kasal na gising na gising ako. Aside from the fact na alert ako dahil parang nalalag-lag ang aking invisible bra dahil sa di maayos na pagkakalagay...ay talaga namang nakaka-emote yung scene...

Hayyy.. Guwapong-guwapo si Elton sa kanyang mala-orange na barong. At sina Ana naman...hay..nakaka-inggit siya. Ang haba ng trail...tapos may leaves-leaves pa. At parang ang saya-saya nilang dalawa.

Maraming parte sa mga sinabi ni Father ay hindi ko narinig. Mostly dahil nagku-kuwentuhan kami ni Miren...at dahil distracted din ako. Nag-i-imagine...pano kaya ang aking kasal?


11:32 AM Sat (July 19, 2008)
Pinahawak namin ang aming mga gamit sa kaibigan ni Miren na si Marvin. At dahil tapos na ang seremonyas...at picture taking nalang...dun ko palang nakuha muli ang aking mga gamit. Si Mahal may text. Pa-log-out na daw siya sa ospital. Alam kong marami siyang dala. I need to help him...

Hindi na ako nag-stay for the reception. Dali-dali kaming bumalik ni Joyce sa Room 412. Nagpalit. Nagpaalam sa bagong kasal. At lumayas.


2:07 PM Sat (July 19, 2008)
Nakauwi na si Mahal sa wakas. At dito na rin nagtatapos ang aking 48 hours ...and more na pagdurusa.

Natulog ako...simula alas tres hanggang ala una ng umaga. Nagising...masakit ang tiyan...natulog muli...wala ng kain-kain. Na-miss ko ang tulog...later na ang pagkain.

Salamat po, Lord, at tapos na nag aking Series of Unfortunate Events.





Saturday, July 12, 2008

Thursday, July 10, 2008

Ang Boyfriend - baw

Ang part 2 na usapang ito ay last Friday pa naganap...ngayun lang ako nagkaroon ng pagkakataon na i-blog.

Blogger: O, musta na kayo ng boyfriend mo?
Ahente: Coach alam mo ba, nung araw na nag-usap tayo...kinausap ko rin siya nung nakauwi na ako eh.
Blogger: O, nakatira pa pala kayo sa isang bahay. Eh di mas lalo mo dapat alam na di siya bading.
Ahente: Di Coach. Sa text lang kami nag-usap. Ayoko ngang maki-paglive-in sa kanya!
Blogger: Hmmm...I see. O musta naman?
Ahente: Sabi niya kung anu-ano raw tinatanong ko.
Blogger: Hindi mo pa ba napapatunayan?
Ahente: What you mean, Coach?
Blogger: Er...you know....yung...you know...
Ahente: (nalungkot) Ahh..yung mag-chenelin? Di pa po eh. Kaya nga feeling ko bading siya.

Blogger: OMG. Hanu ka ba, girl?! Eh malay mo naman kung talagang ni-re-respect ka lang niya! Aba, rare na ang mga lalaking nakakapagtimpi sa panahong ito noh!
Ahente: Eh naman Coach! Ako na nga itong nagpaparamdam, deadma parin siya!!! Anu naman yun, diba?
Blogger: Baka nga naman kasi gusto niyang kasal muna. Ayaw mo nun? Ibig sabihin ay talagang seryoso siya sayo. Tsk. Bakit, gano na ba kayo katagal?
Ahente: Mag-iisang taon na.
Blogger: (hmmm..biglang nagtaka na din...) O, divah? Talagang isa siyang gentleman!
Ahente: Hay! Basta nakaka-stress siya! Gusto ko na ngang i-break eh! Ok lang sana kung sweet siya. Parang feeling ko, pag hinahalikan ko siya...alam mo yun...umiiwas.
Blogger: (naku...tsk...baka nga may posebilidad) Girl, kasi nga...baka mawalan siya ng control. At saka, isang taon na rin yun. Mag-usap kasi kayo...sayang naman.
Ahente: Eh pano kung bading talaga siya? Pano kung nagtatago lang siya? Pano kung ginagamit niya lang ako para pagtakpan kabadingan niya?
Blogger: (dios mio) Eh di...hmmm... kung ganun man... ma-flatter ka nalang. Ibig sabihin, ikaw ang siyang napili para pagtakpan ang katotohanan.
Ahente: Coach naman eh!
Blogger: Ahehe...joke lang! Hanu ka bazzz!!! Kung magkaganun man, maraming isda sa dagat. May mga nanliligaw na nga sayo ngayun eh. Di ka mauubusan noh!
Ahente: Eh sayang naman yung isang taon na sinayang ko kung sakali.
Blogger: (tsk...mga bata nga naman...naks -feeling mature? Wahahaha) Hindi dapat ganun. Dun sa isang taon na yun, imposible namang walang happy moments. Atleast you have those memories. At saka, di lang naman chenelin ang batayan ng relationship eh.


Nagtataka ba kayo sa picture? Ahahaha...nope, hindi yan ang boyfriend niya. Yan ang delicious na bida sa series na Prison Break. At alam niyo ba? Bading daw siya!!! Huawaaaahhh. Halos gumuho ang aking mundooooooo!!! Hano na ba talaga ang nangyayari sa mundo??? Bakit ang mga sobrang PAPAlicious ay bading pala? Bakit di nalang mga chuckie dreyfoos? Huhuhuhuhu. I'm heart broken.

Heto ang link sa artikulo na naghahayag ng kabadingan daw ni Wentworth Miller...huhuhuhuhuhu...huhuhuhu...huwaaaahhhhuhuhuhu.


www.aceshowbiz.com/news/view/00010934.html

Wednesday, July 9, 2008

$$ patalastas $$

PAGKAGULAT


Nang binuksan ko ang blog ko ngayung araw na ito...agad kong binasa ang chat box. Sinagot ko ang mga kumento ng mga tao duun...pero ito ang di ko kinaya...ang kumento ni Tomb Raider.


Tapos...bigla akong napaisip....

si TOMB RAIDER?

AS IN?

Ibig sabihin....umabot hanggang SINGAPORE yung blog ko???

OMG!!!

Mga Bolex na Linya

Linya ko sa unang escalation: "I know this is frustrating, Mr. Mcgurn. And believe me, I would really like to make things better for you. I would just need for you to understand that I would also need time to work on this...and believe me, this is already the fastest way that we have..." > ang "fastest way" na sinasabi ko dito ay 3 business days...pero meron pang mas mabilis...24 hrs...pero as long as kakagat...go!!!

Linya ko sa pangalawang escalation: "I really feel for you Miss Hudson. I know that this can be a headache sometimes...but, the thing is...there is a way out of this. we just have to give the system 3 business days. It is usually 10 business days ma'am...but for you...I'm expediting it already..."
> packsyeeeet!!! Liar, liar!

Kung anu-ano ang mga linyang ginagamit ko sa mga escalations ko....madalas naman gumagana. Salamat sa Diyos.

OMG...mabuti nalang at namulat ako sa mundo ng ka-bolexan sa ABS-CBN. Kung hindi...hay sus! Ini-imagine ko na lang kung pano ako lulusot...tapos dagdagan mo pa ng kums issue? Ay, dead!!!

Sunday, July 6, 2008

The Conversation - part 2!

He: Saw you a while ago..
She: Really? San? Di kita nakita eh. You transferred to a different station ba?
He: Nope...I was at Starbucks 2...you were too busy to see me.
She: Ahhhh...hehehe...sorry.
He: No worries. But, I need to ask you something.
She: Go...what is it?
He: Iniiwasan mo ba ako?
She: Nope. Where'd you get that idea?
He: I feel it.
She: Ma-feeling ka lang masyado.
He: Ahahah...ok...cge na nga. I just can't help it. You barely spoke to me since last week.
She: Ano ka ba, relax. I won't avoid you for the world.
He: Really? Ok...that's a relief.

Walang Kamatayang Isyu

Sa mga nakaraang araw ay tila nahihirapan akong matulog. Kahit na 13 hours na ako sa opisina...at kahit na alam kong halos nag-blu-"blue-screen" na ang aking utak dahil sa pagod...ay parang di makuha ng aking mata na matulog - PACKSYET.

Hayzzz..kanina lamang ay pinipilit ko na namang makakuha ng malalim na tulog...yung tipong kahit kalampagin ng nanay ko yung kaldero sa tenga ko ay deadma parin...
Pero may ibang balak ang pagkakataon....bzzt bzzzt. Bzzzt bzzzt.
Cellphone ko yun. Naka-silent mode para kahit tawagan ako ay wala akong marinig.

Gusto kong di nalang ito pansinin...pero dahil di rin lang ako makatulog...bumangon nalang ako at binuksan ang telebisyon. THE BUZZ na. Si Ai-Ai ang guest co-host. Si Tito Boy ay nasa kalagitnaan ng paghahayag ng isyu tungkol kay Greta. OMG....tsk, tsk. Kawawang Greta...na-decline pala ang kanyang credit card sa isang hotel...at inakala ng marami na pinutol ni Tony Boy ang kanyang credit funding. Pero di daw iyon tutuo. Sa katunayan ay nagpunta pa si Tony Boy sa hotel para siya mismo ang magbayad ng hotel fees...susyal naman!

Anyway, nalayo na ako sa orihinal kong paksa. May nagtext nga pala....

Si Tito BOI.

Tito BOI: Wrong si Acido sa comment niya. Hindi yung taong dinescribe niya si Acid Rain. Kailangan mong i-filter ang mga comments sa blog mo. Kasi maraming nasasagasaan.

Dahil sa di ko na maalala yung kumento ni Acido..nagpasya akong pumasok...ahahaha...para mag-blog (toinks!). Di naman...mga 30% reason lang yun...marami talaga akong backlog...kaya OT galore ito -PACKSYET.

At heto ako ngayun...hinanap ang kumento ni Acido.

Tsk, tsk, tsk. At nung mahanap ko..OMG.. kung sabagay ay totoong below the belt ang kumento niya.

Hay...heto ang paalala ko sa mga naglalagay ng comment sa chat box. wag masyadong below the belt. Lahat tayo'y may kanya-kanyang haka-haka kung sino ang kntrobersyal na si Acid Rain...pero walang sigurado sa atin. Kaya't wag maglagay ng explicit (naks) description tungkol sa mga guesses ninyo...dahil pag mali iyon...tsk...lagot! At saka..baka magalit yung tutuong Acid Rain...dahil sabi ng marami ay di daw siya...hmmm...chubby.

Ayan...isa na namang blind item ang mga nadito. OMG!

$$ singit lang po $$

Saturday, July 5, 2008

BAWAL...BAWAL...

Ish, ang daming bawal...
And to think na mas masarap ang mga bawal...
Ahihihi...at dahil sa ka-badtripan...naghanap ako ng mga bagay bagay na ipinagbawal at ipinagbabawal parin hangang ngayun...





Microsoft Xbox commercial - banned in the US.
Cool naman siya...



Insurance commercial - banned in the US
Nyahahah...asteeeeg!



DUREX commercial - banned in the...uh
Galing ng concept...unique

Thursday, July 3, 2008

The Conversation

He: Musta na?

She: Ok lang...long time no YM ah. Ikaw, musta kana rin?

He:
Ok din lang. Busy ka ata. Di ka namamansin.

She:
Ahahahah...di rin. Ikaw ata eh.

He:
I'll be leaving in a few weeks. Ma-mi-miss kita.

She:
Naks. Talaga lang ha? Uhm...Ako din. Wala na ako kakulitan sa YM.

He:
Coffee naman tayo bago ako umalis.

She:
Cge ba. Kelan?

He:
I don't know...we'll see.

She:
Ok.

Uyyyyyy. Sino kayang hindi naglock ng PC niya? Nyahahaah. Tsk-tsk-tsk.

MASELAN...hindi pwede sa mga bata....

HUWAAAAAAHHH!!! Hindi ako makapaniwala!!! from petiks to toxic ang buhay ko!!! Juice koh!!! Halos nakaka 15 akong escalations kada araw. Tapos dapat may 27 monits sa isang linggo. Tapos may mga 3 meeting ng tig-iisang oras araw-araw. Tapos may skep pa...na kailangan pang i-present?!?
Ahahahaha. Kung hindi dahil sa mga depressants na iniinom ko...baka nagwala na ako!!! BWAHAhahahah...(joke lang...hanggang Fab at Fit n' Right lang kadi ako...).
Anyway...halos mahigit dalawang araw ko ring hindi nagalaw ang blog ko. Tsk. Pero babawi ako ngayun....ahihihihi.

Ehem.....

Kahapon...nakasabay kong magkape ang isang ahente ko dati sa ABS-CBN. May mga iba siyang kasama...nakakailang nung una... pano ba naman... tungkol sa hmmm...errr...uhhhh... tungkol sa sex ang usapan.
TSK. Papa-exit na sana ako...tutal mga asawa't boyfriend naman ang kinikwento nila...subalit..

Curious Agent: Eh Coach ikaw? May BF ka ba?
Ahente ko Dati (AKD for short): Oo noh! Coach din. Dun sa site 2. Diba Coach?
Blogger: Uu. Bakit?
Bading na Ahente ng HBO (BNANH for short): Coach, na-try niyo na yung sodomy?

Blogger: (inubo...na-stuck ata yung kape sa lalamunan) Hano??!!
AKD at Curious Agent: YUUUCCKKK!!!!
AKD: Pasencia ka na, Coach. Balahura ang taong yan eh.
Curious Agent: Eeeww...gawain mo siguro noh?
Blogger: Uhm...diba... di yun safe?
BNANH: Ang OA niyo naman! Para tinanong lang. Ang dudumi talaga ng utak niyo!!

Blogger: (makalipas ang initial shock) Ba't mo naman natanong?
AKD: Tinatanong niya yan sa lahat, Coach. Yuck nga eh. Di na nahiya.
BNANH: Eh bakeet ba? It's my personal scientific research, you know!!!
AKD: Sus! Nagka-boyfriend ka lang...may nalalaman ka ng ganyan.
BNANH: Hayleeer!!!! Wa ko bet yun noh!
Blogger: (tumawa) Uhh...ok. Magbasa ka nalang kaya ng FHM. Maraming tips dun si Asia Agcaoili. Pero from what I know, Butt Sex is not so safe... pwede kang magkasakit dun.
Curious Agent: Bat di mo nalang kasi gawin? Dapat part yan ng research mo...yung testing phase. Ahahahah. Tapos kwento mo sa amin ha? Ahahahaha


Ahhahaha. Isa itong uber selan na usapan. Nakakapanindig balahibo. Pero di ko akalaing ganito ka adventurous ang mga ahente ng ibang account!!! OMG!!!