Naglog-out na ako...pauwi na rin. Pamatay ang shift na iyon...habang kumukuha ako ng sandamakmak na escalations eh umiikot naman sa sakit ang aking tiyan. Packsyet...expired na yata yung Lucky Me Pancit Canton ni Manang dun sa store. Ish!
Kinailangan ko pang lumagok ng kalahating litro ng hydrite...EEWWWW.Halos mga 2-3 lang ang tulog ko nung kinagabihan. Hay lord...
At nang magkita naman kami ng mahal kong nobyo...HALA!!! Pati siya ay masakit daw ang tiyan! OMG! It must be the PANCIT CANTON! Damn!6:00 PM Thurs (July 17, 2008)
Wala pa akong tulog...patuloy ang paghilab ng aking tiyan...ganun din si Mahal. Hayzzz... 6 na oras nalang ay may pasok na naman ako. Alas-siyete ang pasok ni Mahal. Umuwi na ako sa amin. Dala dala ang aking laptop at iba pang mga gamit. Mga also-otso na siguro ng ako'y makahiga sa kama.
SA WAKAS!!!!9:00PM Thurs (July 17, 2008)
Ang aking alarm! Uu nga pala. Alas-onse ang pasok ko. Mas pinaaga ito dahil sa may training kami...packsyet naman....
At hindi lang iyon...kinailangang pumunta ni Mahal sa ospital dahil patuloy ang kanyang pagpupu...at may kasama pang pagsusuka.Lord. Isinusumpa ko na ko na ang PANCIT CANTON!
....pero sabi ni Mahal...di daw yung PANCIT CANTON...yung kinain daw namin sa STAR CAFE...tsk...wish ko lang ay di nagbabasa ng blog ang may-ari ng restaurant na yun. Baka sabihin ay libel itow! LORD!
12:03m AM Fri (July 18, 2008)
Ka-lo-login ko lang sa ITKA...nagsasabi na ng escalation yung ahente ko. ANYAMETENEN. Ok payn! Work na ito! Go go go!
10:52 AM Fri (July 18, 2008)
Tapos na ang shift. Naka-confine na si Mahal. Pumunta muna ako ng town, nag-grocery ng ilang mga pagkain. Pagkatapos ay umuwi ako sa amin para kumuha ng ilang damit at para makuha na rin itong laptop. Bored na daw si mahal...gusto maglaro habang may dextrose. Hayna!
Kaya naman para akong sampayan ng bag nang ako'y makarating sa hospital sa dami ng dala.
12:15 PM Fri (July 18, 2008)
Sa Notre Dame...
Pagkatapos kong tulungan si Mahal na i-setup ang laftaf...kumain ako ng kaunti at saka pinilit na mamahinga sa may cot bed.
OMG...nakalimutan kong every 15min pala ang labas pasok ng mga "nurses" dito. Kesyo check the stats daw...kesyo check yung IV. Hayna. Tuwing nagbubukas ang pinto, nagugulat ako at nagigising. Ewan ko ba...pwede ko naman silang deadmahin. Nahihiya lang siguro ako na makatulog talaga ng mahimbing...at baka paggising ko ay may laway-laway pa...
JUICE KOH!!! Kakahiya naman dun sa cute na intern!
2:30 PM Fri (July 18, 2008)
Bzzzt. Bzzzt. Bzzzzt.
Waaaaah!!! It's my alarm again??!!
Oh yeah...rehearsals para sa kasal na Ana at ni Elton. Alas-tres yun. Hayzzz...siya sige na nga...although tempted akong wag nang pumunta... mahal ko yung dalawang yun...kaya later na ang tulog...tara na sa rehearsals!!!! Yey!!!
4:00 PM Fri (July 18, 2008)
Sa Lourdes Church..sa may Kisad..yung sa tabi ngay ng City Travel Hotel.
Di pa nagsisimula yung rehearsals...LORD! Wala pa akong isusuot para sa kasal. Autumn ang theme...hmmm...
Tsk...sobrang di na ako mapakali...nagpaalam ako sa bride. Sabi ko'y maghahanap na muna ako ng masusuot. Si Miss Miren ay nagbigay din ng mga tips tungkol sa mga kulay na angkop sa Autumn.
5:30 PM Fri (July 18, 2008)
Nyahahahahha!!! Ang galing-galing!!! Kahit papano'y di pa rin pala ako limot ni Lord. Nakahanap ako agad ng damit...plus with matching sapatos pa!!! Huwaahahahahaha!!! Pero alas-singko na. Naisip ko na baka tapos na ang rehearsals. Minabuti kong bumalik nalang sa ospital.
6:00 PM Fri (July 18, 2008)
Sa Notre Dame ulit...
Tsk...ilang oras nalang at may shift na naman ako...pero gustuhin ko mang matulog...ay hindi ko magawa. Naroon ang Mama ng aking Mahal. Siyempre..kuwentuhan ng kaunti...
7:00 PM Fri (July 18, 2008)
Sa wakas...pahinga!!!!
(Pasok ang nurse..."Ma'am, check lang po namin BP ni sir....")
After 15mins: Hay....nakaalis na rin sila...sige..tulog ulit
(Pasok ang Papa ni Mahal..."O...check ko lang kayo...")
After 20mins: Hayan...tulog na ito...Lord...maawa kayo...let me sleep please...
(Gising si Mahal...may tunog ng plastic...kumakain siya...tapos nag-CR...kain ulit. Nabangga niya ang chair...tapos binubuksan niya muli yung laftaf. "Babe, tulong naman. Angat mo naman yung bed ko...")
After 1 hourssssss: Ayos nang muli ang posisyon ni Mahal...komportable na siya...cge...idlip na ako. Heto na ito. Pramis!!!
(Bumaba muli ng bed si Mahal...inaantok na daw. Niligpit ang laftaf)
(Pasok si nurse uli...check naman ngayun yung IV)
Grrrrrrrrrrrrrrr.....
9:30 PM Fri (July 18, 2008)
Bzzzzt. Bzzzzt. Bzzzzt.
Huwaaaat??? Oras na ulit para mag-bihis??!!!
Syeeet!!!!
10:30 PM Fri (July 18, 2008)
Sa office...
Agent ko: Hi Coach!!! Aga mo today ah!!!
Blogger: Yeah...kasi I need to log-out early. I will be attending a wedding by 9AM tomorrow.
6:00 AM Sat (July 19, 2008)
OM: Vida, are you ready to present your SKEP and your Action Plans?
Blogger: Huh? Me? Errr...now?
OM: Yes, now?
Blogger: (pinagpawisan...HANO RAW? Tama ba naririnig ko? Eh ni hindi ko pa nga na-update yun after yung COMMIT training with Weng! At saka isa pa...WALA namang CALENDAR na na-send ah! THIS IS A VIOLATION!!!)
Blogger: Uhm, give me 5mins OM...let me just update it.
7:00 AM Sat (July 18, 2008)
Dapat sana'y pa-logout na ako. Pero hayun ako't nagpresent pa ng action plans. LORD naman!!!
8:14 AM Sat (July 18, 2008)
Nakauwi na ako sa amin. Syet. Hala cge...plantsa ng damit. Ligo...
Text: Coach! San ka na?
Blogger: Wait lang...maliligo lang ako.
Text: Coach dali!!! Andito kami sa City Travel. Room 412. Dito ka na magbihis!
Blogger: Ok, ok!
8:54 AM Sat (July 19, 2008)
Hayun na siguro ang pinaka-mabilis kong oras ng pagligo. Tapos nung ako'y pababa na sa taxi, alang barya daw ang damuhong taxi driver!!! 500 ang pera ko...Lord...I'm sooo late!
O cge...takbo sa 4th floor...utang kay Joyce..ala daw siyang barya. Binigyan ako ng 200 na bill. Takbo ako sa baba at ibinigay kay driver...narinig kong pinapalis na siya nung guard...
Blogger: Manong, heto po.
Driver: Ang kulit naman...sinabing wala akong barya eh!!! (tapos umandar at umalis)
PUNYEEETTAAAH!!! 200 yun!!! 43 lang yung patak koh!!!
Ni hindi ko na nakuha ang plate number. Hindi ko narin pwedeng i-contemplate pa ang aking galit. Dahil magsisimula na ang wedding. Nakadamit pambahay parin ako...
Kaya ...hala cge...takbo sa 4th floor. Suot ng damit at sapatos...
9:15 AM Sat (July 19, 2008)
Sa CR ng room 412 sa City Travel Hotel...
Joyce: Coach, tara na sa simbahan. Dun ka nalang mag make-up.
Blogger: Ok cge. (suklay, suklay)
Joyce: Tara na coach...
Blogger: Ok...(biglang natabig ang liquid foundation...at natapunan ang aking damit)
9:30 AM Sat (July 19, 2008)
Sa may Lourdes Church...
Blogger: Syeeet!! Joyce, I need tissue....
Joyce: Ok lang yan, Coach. Di naman masyadong halata.
Someone: Ang mga abay at sponsors!!! Magpila na kayo! Kanina pa nag-aantay ang pari!!!
Joyce: Kaya natin toh , Coach. This will all be over in a few minutes....
Haay...hindi ko alam kung ano ang nangyari sa linggong itoh. Pakiramdam ko'y pinagsakluban ako ng langit at lupa. Hindi ko naman mahubad yung damit...it's too late to change. Isa pa...pambahay na yung ipapalit ko kung sakali.
9:54 AM Sat (July 19, 2008)
Nagsimula na rin ang kasal sa wakas. Kung tutuusin...ito ang kauna-unahang kasal na gising na gising ako. Aside from the fact na alert ako dahil parang nalalag-lag ang aking invisible bra dahil sa di maayos na pagkakalagay...ay talaga namang nakaka-emote yung scene...
Hayyy.. Guwapong-guwapo si Elton sa kanyang mala-orange na barong. At sina Ana naman...hay..nakaka-inggit siya. Ang haba ng trail...tapos may leaves-leaves pa. At parang ang saya-saya nilang dalawa.
Maraming parte sa mga sinabi ni Father ay hindi ko narinig. Mostly dahil nagku-kuwentuhan kami ni Miren...at dahil distracted din ako. Nag-i-imagine...pano kaya ang aking kasal?
11:32 AM Sat (July 19, 2008)
Pinahawak namin ang aming mga gamit sa kaibigan ni Miren na si Marvin. At dahil tapos na ang seremonyas...at picture taking nalang...dun ko palang nakuha muli ang aking mga gamit. Si Mahal may text. Pa-log-out na daw siya sa ospital. Alam kong marami siyang dala. I need to help him...
Hindi na ako nag-stay for the reception. Dali-dali kaming bumalik ni Joyce sa Room 412. Nagpalit. Nagpaalam sa bagong kasal. At lumayas.
2:07 PM Sat (July 19, 2008)
Nakauwi na si Mahal sa wakas. At dito na rin nagtatapos ang aking 48 hours ...and more na pagdurusa.
Natulog ako...simula alas tres hanggang ala una ng umaga. Nagising...masakit ang tiyan...natulog muli...wala ng kain-kain. Na-miss ko ang tulog...later na ang pagkain.
Salamat po, Lord, at tapos na nag aking Series of Unfortunate Events.
No comments:
Post a Comment