Thursday, May 29, 2008

2gether 4ever

Kahapon ay araw ng mga rebelasyon. Nalaman narin ni Mango Girl ang kanyang napipintong paglipat sa network ng HBO. Siya ay naluha ng lubusan...mabuti nalang at naroon si Mango Boy (waheheheh). Nakita ko silang nag-uusap...si Mango Boy ay concerned dahil nalulungkot ang kanyang "kaibigan".
Haaaay....kanina, ng ako'y nagising, tahimik ang bahay. Binuksan ko ang telebisyon at tumambad sa akin ang MYX kung saan kumakanta si Rick Astley:

Together forever and never to part
Together forever we two
And don't you know
I would move heaven and earth
To be together forever with you

Nalungkot ako. Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin ni Dragon Lady. Haaay...inilipat ko ang istasyon...natuwa ako ng makita kong di pa pala tapos ang programang Boy and Kris. Pero para akong binibiro ni Lord..kasi ang paksa nila Tito Boy at Kumareng Kris ay: Happy Together...at siyempre, ang theme song ay:

Me and you and you and me
No matter how they toss the dice, it has to be
The only one for me is you, and you for me
So happy together

Nalungkot na naman ako. Mami-miss ko ang aking mga kapamilya dito sa ABS-CBN. Marami kaming pinagsamahan. Maraming sama ng loob, kabiguan, tagumpay at kasiyahan ang aming napagdaanan.

Subalit kailangan ko ng harapin at panindigan ang aking desisyon. Sa aking pagpunta sa GMA network, sabi ni Dragon Lady, mga halimaw daw ang mga andun. At kailangan ko yung paghandaan. Hindi pwede ang mahina ang loob...kundi malalamon ka nila.

Alam ko na magaling si Gummy Candy at si Ms. Phone Giver. Sila ang tatayong mga sandigan ng Metric Bay. At alam kong di sila pababayaan ni Chocolate Mallows.

Hindi man kami magiging together forever ng aking mga kapamilya...alam kong isa itong paraan ni Lord para lahat kami'y magkan-kanya...at magmature at maging successful.

No comments: