Saturday, May 31, 2008

Ang BirthdayParty ni Chocolate Mallows


Nagising ako dahil sa text ni Ms. Phone Giver. Napatingin ako was orasan. Alas-kwatro na pala. Alas-tres ang sinabing umpisa ng kasiyahan ayon kay Chocolate Mallows.

Ms. Phone Giver: (sa text) Papunta ako sm, pati si Mango Girl, kuha daw kami drinks. Kaw san ka na?

Natanggap ko rin ang mensahe ni Mango Girl...

Mango Girl: (sa text) Nagtatawag na si Chocolate Mallows. Baka wala daw tayong maabutang fud.

Nag-inat-inat ako. Naisip kong baka huling beses ko na itong makasama ang "One Team, One Family" barkada.
Dali-dali akong pumunta sa SM. Sabi ni Ms. Phone Giver, ay naroon na rin silang lahat. Dumiretcho ako sa wine section at agad kong naisip na bigyan si Chocolate Mallows ng kanyang paboritong lason...ang alak. At dahil mahal ang presyo ni Johnny Walker, nakumbinsi kong maghati nalang kami ni Ms. Phone Giver sa regalo (waheheheh).

Pagdating namin sa kaharian ni Chocolate Mallows, naroon na ang ibang mga sunog baga (ehem...busina po). Agad kaming inakay ng reyna ng kaharian sa loob ng bahay para kami'y makakain.

Habang kumakain, agad naging paksa ang binangit ni Hotdog Girl na masarap ang sausage ni Peppermint Candy.

Hotdog Girl: Hala wag naman kayo gayan. Ang layo ko na nga kay Peppermint Candy kagabi eh.
Baby Boy Glo: Huwaaat? You mean ganun kahaba ang sausage ni Peppermint Candy??!!
Blogger: (tawa ng tawa)

Lalong naging berde ang usapan nang humirit Sugar Coated Peanuts.

Sugar: Ok lang yun. Yung head lang naman ng sausage ang kinakain ni Hotdog Girl eh.

Napag-usapan din ang mga kalalakihan sa buhay ni Sugar. At ang latest nga ay ang pagbabalik daw sa buhay niya ni Balong (hayown eh...kaya pala napapadalas ang mga sightings sa kanilang dalawa....). Pero ika nga ni Sugar...they are just friends.

Napansin din namin na si Mango Girl ay nakikipag-usap ng masinsinan kay Mamang Nakaputi. Ngunit sabi ni Mango Girl ay walang malisya daw iyon...dahil pinsan lamang yun ng kanyang nakaraang pag-ibig (naks...may disclaimer? wahehehe)

Nang saluhan namin ang mga sunog baga sa labas, naging mas makulay ang usapan. Napansin ko na andun din pala si The One That Got Away (Mahaba ang kanyang code name...iklian natin...TOTGA). Juice koh! Nagte-text sa akin eh andun pala ang kumag!

Hayzzz..wag nang pag-usapan yun.

Suma tutal...marami rami ang nandun. Andun ang kambal na sumo wrestlers. Andun din sina Leo at Jeff. Pati nga si Big Mac ay nauna na rin dun. Si Gummy Candy ay parang matamlay na nakikiinom (hmmmm....dahil kaya namimiss niya si chenelin? O dahil ba may singit dun sa isang chenelin?)
May mga ibang karakter na di ko kilala...kya di ko nalang babangitin.

Dumating si Earl...na nag-iwan lang daw ng something para kay Chocolate Mallows. Inasar namin siya kay Wonderful PS. Napag-usapan din kasi kung pano sila nagkukurutan ng nipels.

Dumating din si Elton...na kamukha ni Dao Ming Su sa suot niyang turtle neck. Dumataing din si Chu B...na wet na wet ang look! Dumating din si Publico (Hannah? Hannah asan ka? --- peace!!!!). At siyempre...si Apple Cinnamon (wahahahaha)...pwede ba namang mawala siya? Hindi niya kayang tangihan ang imbitasyon ni Chocolate Mallows (ehem...busina).

Di nagtagal ay nagpaalam na kami. Ayokong mang umalis pa, naisip kong ayokong magalit sa akin ng tuluyan ang aking mahal na nobyo.

Kinailangan man naming umuwi ng maaga...dala ko parin ang lahat ng mga alaala.



No comments: