Friday, May 23, 2008

May narinig ako: Blind Item para kay "Apple Cinnamon" (ehem...busina po)

Isang gabi...nang kami'y pauwi na. Ako si Mango Girl at Ms. Phone Giver ay inaantay ang aming pinaka mamahal na bossing na si Chocolate Mallows.
Natanaw ko na bilog ang buwan. Ang kalangitan ay malinaw...walang badya ng ulan.
Maganda na sana ang lahat...ng biglang dumaan sa harap namin si Apple Cinnamon.
Nagkatinginan kaming tatlo. Napangiti ...hangang sa tumawa.

Blogger: Hay naku naman! Matatagalan si Chocolate Mallows dahil sa kanya!
Mango Girl: Oo nga...
Ms. Phone Giver: Inaantok na aku (hohum).
Blogger: Tsk. I-blo-blog ko toh!
Mango Girl: Ahahaha...ano kayang code name niya? Hmmm...Apple Cinnamon!

At hayun na nga...

Aaminin ko...nung una kong nakita si Apple Cinnamon...inakala ko agad na siya'y Eba na pinanganak na Adan. Pero hindi ko talaga siya kilala..Di kami close....Kaya di rin ako sure.

Ang alam ko lang eh close sila ni Chocolate Mallows...na kung minsan eh nakakangiti kung titignan (huwaaaaa...natatawa tuloy ako kasi naaalala ko yung sandwich episode).

Disclaimer: This article is fictional only. Any characters that has the same name or similarity to any real person is only a co-accidence (wink,wink)!


No comments: