Sunday, May 25, 2008

May Nakita Ako: Blind Item para kay "Gummy Candy"


Gummy Candy: Cge nga, cge nga...dance, dance, dance!
Blogger: Asteeg si Chix!
Boy Kalbo: Ok na sana eh, basta palitan yung mukha niya. Sino bang may paper bag jan?
Big Mac: Nyahahaha. Sako para sakto!

Hayzzz...ang mga lalake nga naman.

Master Yoda: O, Red Cheeks, sayaw na rin!
Blogger: Ayan na, ayan na...sasayaw na rin! Go, go, go!

Nagpalakpakan ang lahat ng nagsimula na ring gumiling si Red Cheeks.

Blogger: Dyesebel, sayaw nga din!
Boy Kalbo: Oo nga. Go, Dyesebel ng Kalinga!

Nagtawanan na naman ang mga lalake. Mahilig talaga silang mang-asar. Nakakatawa ang mga hirit nila. Pero wish ko lang...sana'y di naman nila gawin ng harapan.

(knock, knock, knock)

Tumayo si Boy Kalbo at binuksan ang pinto. Pumasok ang mga bagong dating.
Hayun na nga!!!! Si Firewall! Kasama niya ang ilan sa kanyang mga kaibigan.

Nakaupo si Gummy Candy sa aking harapan...siyempre, katabi niya si Firewall. Mabuti nalang at maingay sina Big Mac at Boy Kalbo na aking mga katabi. Kung hindi ay talagang awkward ang feeling.
Paano ba naman kasi, ang sweet sweet ni Gummy Candy kay Firewall. May pahalik-halik pa siya sa hair (wahehehehe).

Anyway...ang gabi ay masaya. Sumayaw din si Dyesebel. Pati si Miss Petite Halo-halo game na game. Si Mr. Tummy Ache ay lasing na lasing at pasigaw na kung magsalita. Humabol din sa kasiyahan si Mr. Guilty. Game na game siyang tumatayong "pole" habang sinasayawan siya nila Chix, Red Cheeks at Miss Petite Halo-halo. Si Imu naman ay inuudyukan si Dyesebel na sayawan si Gummy Candy.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakikipagkatuwaan kasama ng aking mga ahente. Nalungkot tuloy ako...naalala ko na naman ang "the conversation".
Pero ayoko mumang isipin yun ngayun. Basta...si Gummy Candy...ay sweet boy lover pala, nyahahaahahah. Tsk! Lagot ka kay "Mano Po 4 - Ako Legal Wife"!!!

No comments: