Si Baldo ay mabait, matalino, masipag, matipuno, responsable, gwapo at higit sa lahat, maka-Diyos. Halos nasa kanya na ang lahat...subalit...bakit kaya palagi siyang bigo sa pag-ibig?
Ang sabi ng marami, swerte daw ang babaeng makakapag-paibig sa kanya. Ang sabi naman ng iba, pihikan siya...kaya malamang ay matatagalan bago niya mahanap ang babaeng para sa kanya.
Tuwing nagkakagusto si Baldo sa isang babae, lagi siyang pinagsasabihan ng kanyang mga kaibigan na magdahan-dahan lang. Subalit lagi ring hindi nakikinig si Baldo. Para sa kanya, walang kuwenta ang umibig kung di mo ibibigay ang iyong puso ng buong buo.
Lumipas ang panahon...at lumipas din ang ilang masasakit na relasyon... napag-isip-isp ni Baldo: "Ano pa bang kulang?"
Dahil mahal siya ng mga kaibigan niya, sinibi nilang kulang nalang ng magagarang mga damit, asteeeg na wheels, mansiyon....at malusog na bank account.
Naguluhan si Baldo at sinabing, "Subalit ang lahat ng kulang ay mga artipisyal lamang...pwedeng makamtan (depende sa sipag, tiyaga at diskarte). Ito na ba ang importante sa panahon ngayun? Hindi na ba uso ang tunay at wagas na pag-ibig?"
Isang lalaking nagmamalasakit ang nagbigay ng kasagutan sa kanyang tanong.
"Kaibigan, alam kong tapat kang umibig. Subalit alalahanin mong hindi mo dapat ipilit ang sarili mo sa isang babae. Hindi mo rin pwedeng hubugin ang isang babae ayon sa katauhan na katanggap-tangap sayo. Ang mga babae ngayun ay di na lamang nadadala sa matatamis na salita at machong mga katawan. Kailangan ay alam nilang ang mga lalaking pagbibigyan nila ng kanilang matamis na oo...ay kaya ding tanggapin na sila'y babae lamang...tao din...nagkakamali...hindi perpekto...at higit sa lahat, hindi sinilang para lang patotohanan ang dream girl sa isipan mo."
O dibah!!! Winner!!! San ba nabibili ang mga lalaking ganito? Ahahhaha...joke lang. Baka magalit ang mahal kong nobyo.
No comments:
Post a Comment