Friday, June 27, 2008

DA WHO???!??

Hooohhuuum. Availing sa GMA network. Halos umaabot ng sampu hanggang labinlimang minuto ang avail. Tinignan ko si Coach Ian. Avail din siya. Tsk. Napangiti ako...naisip kong kami na siguro ang may pinaka-malaking sahod na Tier 1 agent sa floor. Wakekeke.

Nagbreak ako. Kinuha ko yung isang oras kong break. Bumalik ako sa teritoryo ng ABS-CBN para mag-blog sana dahil gusto kong birahin si Acid Rain...subalit....

Chismoso: Coach, tech assist naman.
Blogger: O, about what?

Chismoso: Sino si Queen Bee?
Blogger: Packsyet! Kala ko naman kung anu na. Mag-calls ka na nga. Peticks ka na naman eh.

Chismoso: Naka-break ako, Coach.
Blogger: Ah ganun ba?...Hmm...Sandali lang...ba't alam mo si Queen Bee? Bawal magsurf diba?
Chismoso: Coach..anu ka ba...siyempre duun ako sa pantry nagbasa. Pinag-uusapan nga namin yun ng mga ka-team mate ko eh. (Biglang may evil smile sa mukha) Eto coach...tignan natin kung talagang updated ka. DA WHO yung Coach na may purokus sa sarili niyang team?

Blogger: Ha? Coach kamo? Sino naman yan?
Chismoso: Ito po yung clue...may asawa na siya...tapos di mo aakalain na papatulan siya nung purokus niya.

Blogger: Hala...gagu...tsk, tsk. Bad ka. Ganun ba ka-chaka yung Coach? Sino ba yan?
Chismoso: Si Coach naman eh. Alam ko alam mo na yun eh.... Cge, ito nalang. Da WHO yung QA na may boyfriend ngayun na agent. Tapos yung agent eh may buntis na girlfriend...pero keribells lang dun sa QA.

Blogger: OMG! Sino na naman yan?!? Gravah ka ah..mas marami ka pang chismaks na alam kesa sa akin!
Chismoso: Syempre Coach. Andami ko atang source! Eto pa...DA WHO yung support na may boyfriend na mayaman...tapos may boyfriend pa siyang gwapo?

Blogger: HA? So...magkaiba yung mayaman na guy dun sa gwapong guy?
Chismoso: Tumpak!
Blogger: Gagu ka talaga...hindi naman daw niya boyfriend yung isa eh. Close friend lang.
Chismoso: Tsk. Mahina ka naman Coach eh. Siyempre front lang yun!
Blogger: Sira ulo. Eh sa yun ang alam ko eh.
Chismoso: Coach, mas reliable yung source ko.
Blogger: Unggoy. Wag ka na makulit. Nangenge-alam ka sa opinyon ko eh. (Naalala na naka-break lamang Si Mr. Chismoso) Di ka pa ba OB?
Chismoso: Di pa Coach. Ikaw naman. Ngayun na nga lang tayo magkaka-usap ng matagal eh.
Blogger: Ahahahh...eh sa dami ng alam mo, pwede ka ng magkaroon ng sarili mong blog.
Chismoso: Di na Coach. Ikaw nalang magsulat...magaling kang magsulat eh ---> (wakekekeke...hindi ko na kailangan itong ilagay...pero wala lang...naaliw ako sa compliment ni Mr. Chismoso eh).

Blogger: Ah ganun ba? (kunyari hindi affected sa compliment)
Chismoso: Coach, eto...last na chismis ko...kakain pa ako. Next time na yung iba. DA WHO yung Coach na nagpapalog-in siya sa kanyang mga ahente. Tapos...kung minsan, siya pa ang tatawag sa MOD para excuse niya yung mga ahente niya.

Blogger: PACKSYET! Sino yan??!!! Sa ABS-CBN ba yan?
Chismoso: (tumatawa) Sus! Highblood ka naman!
Blogger: Eh bawal yun noh! Sino yan!?
Chismoso: Taga RPN network siya.
Blogger: (mejo bumaba ang high blood) O? (napag-isip) Pano mo naman nalaman yan?
Chismoso: Kasi, friend ko yung isang agent niya. Eh one time, nag-inuman kami, tapos kasama siya. Eh lasing na yung kaibigan ko...gulat nga ako eh. Siya ba naman yung tumawag sa MOD nila. Tapos call-in sick siya para sa agent niya! Asteeg nga eh. Sana ganun din Coach ko.
Blogger: Damuho ka. Terminable offense yun! Packsyet na Coach yan!!!..tsk. (Napag-isip din) Sana ganun din OM ko (toinks!)


Haaaay. Isa lang masasabi ko. MMMMAAAAAASSSS chismoso ang mga lalaki. **(wink, wink).

No comments: