Thursday, June 19, 2008

May Narinig Ako: Blind Item para kay "Tomb Raider"

Habang nag-aantay ako na pansinin ni Ate Al sa may Handaan Building...dumating si Mango Girl...at sumunod namang sumulpot si Gen San Boy... magpapa-endoscopy daw si Mango Girl.
Tsk...di ko pa nararanasan yun..pero ginawa na yun sa aking Mamita...habang ako'y nanonood at nakabantay (baka kasi kunin nung baklitang nurse yung pustiso ni Mami ...wakekeke...joke lang). Merong parang metal na ahas na may maliit na camera sa dulo. Ito'y ipapasok sa iyong bunganga, pababa sa iyong lalamunan hanggang sa makita nila ang mga suluk-sulok ng iyong tiyan at bituka (brrrrrrrrrrrrr...tumatayo ang mga balahibo sa likod ng aking leeg).
So anyway...nung ako'y pinansin na rin sa wakas ni Ate Al...kinuha niya ang aking ID...at pagkatapos ay...

Ate Al: O...Sitel ka rin pala...at supervisor ka rin ba dun?
Blogger: Uhm...parang ganun po.

Ate Al: Hay naku! Mabuti naman at di lahat ng Supervisor eh kasing angas nung isang kasama niyo. Kilala mo siguro yun. Mahaba ang buhok niya. Mejo mataba. at maraming "churva" (paraphrased word na ito) sa mukha.
Blogger: (dahil sa hindi pa kagandahan ang aking pakiramdam...slow ang aking processor...subalit ilang kandidato ang aking naisip) Ano ho bang pangalan?

Ate Al: Si quan...hmmm ... tuuuut -tuuuut
Blogger: Ahhhh...si Tomb Raider. Bakit po? (muli kong naalala ang kwento na nasabi sa akin ni Mango Girl tungkol sa eksena ni Tomb Raider dito sa Handaan).

Ate Al: Pano kasi...nagmamalaki na Supervisor daw siya! At saka Med Cert lang daw ang kailangan niya kaya dapat ay unahin ko siya. Hay! Mas lalo kong di entertain pag ganyan!

Iba ka talaga Tomb Raider! You create a lasting impression wherever you go!!! Pero...siguro nga..isa lang siyang misinterpreted na tao. Balita ko ngay pumunta na siya sa Singapore kasama ng BFF (Best Friend Forever) niyang si Voluptuous Venus.

Good luck sa inyo jan girls!

Discalimer: Para kay Tom Raider...kung sakali mang nabasa mo ito at sa tingin mo'y may mali sa pagkakasalaysay ni Ate Al sa inyong inkwentro...bukas ang aking blog para sa iyong mga komento (naksss...parang Tito Boy sa The Buzz).

No comments: