Wednesday, June 11, 2008

May Narinig Ako: Blind Item para kay "Creamsilk Challenge"

JUICE KOOOOO!!!

Hindi ko na talaga mapigil ang aking sarili!!! Dapat ay hindi ko ito gagawing paksa...pero wala akong outlet!!!! Huwaaaah...

Hindi naman talaga dapat ito magiging paksa sa blog ko...pero parang this past few days...ay nagbibigay sa akin ng signs ang mga anito at mga kaluluwa sa paligid ko. Parang...lagi nalang lumalabas ang pangalan niya sa mga kwentuhan ng mga tao sa paligid ko....hayzzz...ayan tuloy...naungkat sa aking memorya ang balitang naililipad ng hangin sa aking tenga.

Naimprenta sa aking Book of Chismiss si Creamsilk Challenge nang may mabangit sa akin si...hmmm..andali lang...hindi ko na maalala kung sino ang nagsabi sa akin nun...D' Source nalang and code name niya...

D' Source: Kasi nga coach...close na dati sina Creamsilk Challenge at si Love is Blind.
Blogger: Ahh....ok. So...saan napasok si Hotdog Girl sa usapan?

D' Source: hmmm...ngek...diba nga...kinuha ni Creamsilk Challenge si Hotdog Girl na maging PS dahil may gusto siya kay Hotdog Girl.
Blogger: (nanlaki ang aking mga mata) Truly???

D' Source: Tapos...one time...may nasabi si Creamsilk Challenge...malapit na daw siyang magraduate bilang Bachelor. At heto pa...ang kanyang buhay binata ay matatapos na daw within this YEAR!!!
Blogger: (naningkit naman ngayon ang aking mga mata) Talaga? Bakit may girlfriend ba si Creamsilk Challenge?

D'Source: Well...ewan ko lang...ang alam ko..eh one time...nung nagkausap kami ni Love is Blind...at nasabi kong magkasama sa lakad sina Hotdog Girl at Creamsilk Challenge...eh nag-react siya. So...malamang ay may "off-line" relationship sila.
Blogger: (napaisip ako ng malalim...at napangiti) So... may balak na palang magpakasal itong si Creamsilk Challenge ha...maasar ko nga siya.
D' Source: Naaaakuuuu....huwaaaaag poooo!!!! Papatayin aku nun!!

Heto lang naman ang mensahe ko para kay Creamsilk Challenge...kung totoo man na magpapakasal na kayo ni Love is Blind within the year...sana ay maging maligaya kayo...at sana'y maging forever na ang pag-iibigang ito.

No comments: