Thursday, June 19, 2008

FOREST FIRE!!!

Nawindang ako kahapon. Pumasok ako ng maaga...para maabutan ko ulit si Doc. O. Pagkatapos naming magkadaupang palad sa Handaan...gusto ni Doc ay makita niya ang mga lab results na ipinagawa niya. OMG...kakapagud. Pumasok tuloy ako ng 2 oras na mas maaga sa talagang shift ko.
Pero hayun na nga...habang ako'y naglalakad sa may Pantry na parang eng-eng...sinisilip-silip ang madilim na kuwarto ng Maxicare...hinahanap si Kuya Robert para makuha ko na ng aking mga gamot...

Lover Boy: Hi Coach!!!
Blogger: Hiyeeeee!
Lover Boy: Why am I in your blog?
Blogger: (oooopppss...naramdaman kong parang may tumubong sili sa ilalim ng aking kili-kili...natigilan ako...at nagbrowse thru mentally sa mga karakters ko sa aking blog...aamin kong dahil sa dami ay di ko agad naalala) You are?
Lover Boy: Yes! And you turned red...so it means I'm there.
Blogger: (packsyet...ano nga bang item uli yun?...it has something to do with Stiletto Queen....oh, oo nga!) Oh...the ButtMan thing... heheheheh.
Blogger: You read it?
Lover Boy: Yeah..I bet your rich already because of that.
Blogger: (wish ko lang) No...the google adds there, someone has to actually click it for me to earn something. That's the only one that has some monetary worth on the site.

Tsk, tsk, tsk. Isa iyong hot situation...mabuti nalang at nung kay Apple Cinnamon ay di niya pina-explain sa akin yung mga nakalagay duun.
Pag-akyat ko naman sa production floor...habang ak'y kumukuha ng kape ay may nagsabi naman sa akin ng ganito...

Ms. Villaroel: Coach...I'll tell you something...yesterday kasi..all the PSs are conferenced. And then Wonderful PS mentioned your blog. We opened it...and we really had fun guessing!

Hay naku lord....naramdaman kong parang nag-shrink ang aking world!!!
OMG talaga!!! Natuwa ako dahil maraming may gusto sa site...pero ako rin ay nahabag na baka may maka-mis-interpret.
Ang sa akin naman.....kung may mali sa haka-haka na nasa site na ito...you are welcome to give your opinion and the true version.

1 comment:

Anonymous said...

alam mo ba na your blog is one of the reasons why were awake? pits like troubleshooting nga eh, but more fun. keep it coming!