Monday, June 16, 2008

May Narinig Ako: Blind Item para kay "Wonderful PS"


Kamakailan lang ay naging isyu sa Citadel cluster ang ginawang pagyurak ni Bruhilda sa puso ni Wonderful PS.

(ang nakaraan...sa may Starbucks 2..habang kumakain ng chicken balls)

Blogger: O...ano na ang nangyayari kay Wonderful PS?

Mango Girl: Hay naku coach...pinagsasabihan ko siya. Pano naman kasi, nung tinanong ko siya kung iniisip pa niyang makipagbalikan dun kay Bruhilda...parang "oo" pa yata yung sinabi niya eh.
Gummy Candy: Naman! Tsk! (subo ng chicken balls) Di dapat iniiyakan ang mga babae! (subo ulit ng chicken balls...at napa-isip) Ay..sabagay...iniyakan ko rin si Bes noon.
Ms. Phone Giver: Eh mahal niya eh...kaya ganun. Pero hay naku, sa ginawa ni Bruhilda...parang kahit na magkabalikan sila...malabo na rin yun eh..wala na yung trust!

(balik tayo sa kasalukuyan...)

Sa ngayun...pag nakikita ko si Wonderful PS...ay parang hindi na masyadong bakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Pero nung isang araw...

Ms. Phone Giver: Coach! Si Wonderful PS at si Hotdog Girl na!!!

Nanlaki ang aking mga mata...hindi makapaniwala sa naririnig. AHA! Kaya pala ngumingiti-ngiti na itong si PS!

Blogger: OMG!!! Hotdog Girl!!! Iba talaga ang kamandag mo!!

Sa katotohanan, hindi man talaga namin mawari kung ano talaga ang dahilan ni Bruhilda at nagawa niya yun....ito lang ang mensahe ko kay Wonderful PS, Bruhilda made a mistake...she lost a wonderful person.

Now..it's time to move on...(with Hotdog Girl???!!)
POSTSCRIPT: Ay uu nga pala...nakalimutan kong ilagay na nag-jo-joke lang pala si Ms. Phone Giver nung sinabi niya yun...baka seryosohin....waheheh

No comments: