Naging mabuti siyang kaibigan sakin...kabiruan...kakwentuhan.
At sa gabing ito...napatunayan ko kung gaano siya katotoo.
Si Boi Bakat ang aking inspirasyon sa blog na ito. Idol ko siya. Siya ang nagturo sa akin ng kung anu-ano para maging maayos ang blogsite na ito. Alam kong hindi siya masyadong nadadalaw sa blog ko...kya naman laking gulat ko nang bigyan niya ako ng review.
Boi Bakat: Hindi ko gusto ang laman ng blog mo lately. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sayo. Alam kong di ka chismosa. Bat ganito ang laman ng blog mo?
Blogger: Huh? (defensive mode) Hindi naman yung chismis yung highlight eh. It's more of the jokes. Isa pa...may rule sa blog ko...dapat funny articles. At saka may disclaimer naman lagi eh. I always say that it is not proven. Kaya nga may code name eh.
Boi Bakat: Hindi rin. Gurl, alalahanin mo na uhaw sa chismis ang maraming tao. Kung totoo man o hindi yung mga narinig mo...hindi mo na kailangang ilathala. Kasi kumakalat lang ng mas lalo. Tapos may mga natataman na. Gusto kitang kausapin ng personal....pero hindi na makaka-antay ang usapang ito.
Blogger: (nalungkot ako....at napa-isip....nagtimpla ako ng tsa-a...) Hala...it was not really meant to hurt anyone. Besides, the things I put on my blog are the things or the stories that are too absurd to be true. Tipong... alam mo yun...sobrang outrageous...
Boi Bakat: Gaga ka ba? Hindi ganito ang personality mo. Ang panget ng dating eh. And to top it all...hindi mo pa pala alam kung true or hindi yung mga nilalagay mo. Alam mo, inaantay ko na nga lang na ako yung maging topic mo eh...para banatan kita. Pero alam kong mali yun. Kaya kinakausap kita ngayun.
Blogger: Hala...yung mga sinasabi naman sa akin about personal lives...na galing mismo sa taong yun...hindi ko na pina-publish noh. Syempre alam ko nang hindi yun chismis.
(Mas lalo akong nalungkot...nagbuntong-hininga...tumayo...nagtimpla naman ng Milo...at bumalik sa harap ng PC)
Blogger: The articles in the blog are more of like my point of view. That is why most of it are written in the vernacular...para mailagay ko yung mga jokes at yung mga punch line. Tapos I make sure na I edit most of the details. And most of the articles are requests of the sources na ilagay ko sa blog. Hayyyzzz...tapos ako naman si Gaga...ilalagay ko naman.
(di mapakali...hinigop ang Milo...napaso ang dila sa init)
Blogger: I don't really get to talk about the articles with anyone....kaya nga sa blog nalang because it was more of an online diary. Dati...sina Ms. Phone Giver at Mango Girl lang nagbabasa nun. Nagulat nga din ako at merong iba na nag-o-open. At saka...gusto ko lang naman i-lighten up yung "story".
Boi Bakat: Well...sa ngayon, even some agents are reading it. So you have to be extra careful. Ang blog ay isang online site na pwedeng i-access ng iba. Hindi siya normal diary... Ang point ko lang naman ay ganito...pag may natamaan...baka di sila makapagpigil...at i-confront ka. Hayaan mo nalang na pag-chismisan sila ng buong mundo...wag mo nalang ilagay sa blog mo.
Blogger: Haayyy... you're right. I want to say that maybe I'm too bored here in GMA network because so far I'm not really doing anything...pero I'm just justifying myself. Lately...nawawalan na rin ako ng ganang magsulat. Yung DA WHO na entry...I did not even bother to give them code names anymore...kasi I was not interested kung sino na rin talaga sila.
Boi Bakat: No. Don't stop blogging. Just shift to a different style. Kung mag-chi-chismiss ka man...dapat di obvious. Ahaahhaha
Blogger: (buntong-hininga....nagtimpla ng kape...sumasakit na ang tiyan sa dami ng fluids na iniinom...pero hala cge...YM parin) I really feel bad....pero salamat sa reality check, Boi Bakat.
Boi Bakat...tag mo to ha. Don't forget.
No comments:
Post a Comment