Monday, June 30, 2008

Tinanong Ako - Sinagot Ko

Sa wakas, binigyan na kami ng team. Sa ngayun, ang aking trabaho ay 50% agent - 50% coach. Keri lang. Atleast, binibigyan kami ng oras para matutunan ang account.
Nakilala ko na rin ang iba sa mga ahente ko...ok naman sila. Wala naman mukhang kumakain ng tao. Hayun nga lang...hindi ko ine-expect na may chismaks pala silang nalalaman tungkol sa akin...

Ahente: Coach, totoo daw bang may ex kang bading?
Blogger: (muntik ng malaglag ang hawak na styro na may mainit na kape) Hanu??!? San mo naman nasagap yan?!

Ahente: Yung isa kasing agent dito coach, kakilala yung ex mo. Coach daw niya dati sa ABS-CBN. Tapos yun nga...bading daw siya.
Blogger: OMG! (natatawa) Hmmm...hindi ko siya ex. Bestfriend ko siya since high school...pero MU kami nuon. Yun nga lang...it never reached the "boyfriend-girlfriend" stage. (higop sa kape) Teka...ba't nga ba natanong mo yan?

Ahente: Ala lang, Coach...
Blogger: Hasows! Cge na...ba't mo natanong?

Ahente: Kasi Coach...curious lang ako...tanong ko sana kung pano ka naka-recover nung nalaman mo.
Blogger: Weeeelllll...as far as I am concerned...never niyang inamin na bading siya. I mean...never niyang inamin sa akin. So...para sa akin, a guy is not gay as long as he does not admit it yet to the world. Isa pa...he is my bestfriend. It does not really matter what his sexual preference is.
(na-curious...parang matamlay yung ahente)

Blogger: Bakit ba? Wag mong sabihin na ex ka nung unggoy na yun?
Ahente: Hindi, Coach....natanong ko lang. Kasi...yung boyfriend ko ngayun... feeling ko... bading.

Blogger: (NakoW!!! Kaya naman pala eh!) As in? Sino naman ito?!
Ahente: Wala siya dito, Coach. Pero...di maalis sa isip ko. Feeling ko parehas na lalake ang gusto namin.

Blogger: Err...I see. Tinanong mo na ba? Baka naman uber paranoid ka lang. Maraming guys ang metro-sexual. Pero that does not mean na bading sila.
Ahente: Ewan ko, Coach. Basta...nakaka-depress. (tingin sa relo) Coach, OB na ako. Usap tayo ulit next time. Thanks ha.

HMMMMMMM....kakaiba ang usapang ito. Parang nararamdaman kong may part 2 ang isyung ito.


No comments: