Saturday, June 7, 2008

May Narinig Ako: Blind Item para kay "Butt Man!!??!"

Muling nag-umpisa ang araw na ito na parang ordinaryo lamang. Naisip kong i-blind item si Bruhilda, ang babaeng yumurak sa puso ni Wonderful PS (walang hiya siya! Wala siyang karapatan! Ang kaaaapaaaal ng mukha niya!!!)...subalit naisip kong hindi ito ang panahon...para malagay sa sulatin ang pangyayaring iyon...
Kaya nagbasa nalang ako ng email...

Ng biglang may YM na bumulaga sa harap ko...si Stiletto Queen


Stiletto Queen: Gaga ka! Pati ba naman ako sinama mo sa blog mo??!!

Blogger: ehhh...sorry na...ikaw kasi eh...wala ka noon...

Stiletto Queen: Ayoko na ng away eh...umiiwas lang ako.

Blogger: (muling nabuhay ang aking Blind Item radar ko) Ha? Ba't naman?

Stiletto Queen: Kasi nagkasagutan kami ni Butt Man. May sinabi kasi sa akin si Jealous Girlfriend. Sinisiraan daw ako ni Butt Man. Kaya di nalang ako sumipot noon...ayoko ng part 2 ng away namin ni Butt Man.

Blogger: Ahhh...ganun ba? Eh ano naman ang papel ni Jealous Girlfriend sa istorya?

Stiletto Queen: Kasi si Jealous Girlfriend nagselos nung kausap ko si Butt Man. Eh tapos nung tinanong ni Jealous Girlfriend si Butt Man tungkol dun, may sinabi si Butt Man na di ko nagustuhan ...kaya yun...

Blogger: (naguluhan ako...at napakamot ng ulo) Sandali...diba si Jealous Girlfriend ay girlfriend ni Lover Boy?

Stiletto Queen: Yun din alam ko...

Blogger: Pero si Jealous girlfriend ay nagseselos sayo dahil kay Butt Man?

Stilleto Queen: Ewan...baka parehas nilang girlfriend.
Blogger: Hayun na nga! Tsk..alam ba to ni Lover Boy?

Hindi na nakasagot si Stiletto Queen. At ako naman ay tumuloy na rin sa aking training para maging handa ako sa aking bagong karera bilang kapuso ng GMA network.

Ng makita kong muli si Stiletto Queen, tinanong ko siya kung pwede ko bang i-blog ang paksa namin kanina. Dahil sa pagkakabuking sa sikreto ko kay Apple Cinnamon, ninais kong humingi muna ng paalam sa taong nagsiwalat sa akin ng kwento bago ko gawing paksa sa blog.

At dahil sa napipintong pagsisimula ng masalimuot na buhay sa GMA network...nasisiguro kong hindi na ako makukulit ng aking mga kapamilya tungkol sa katauhan ng mga tao dito sa Blind Item na ito.

Tanungin niyo si Stiletto Queen ha!!! Walang makuleeet!

No comments: