Thursday, June 5, 2008

May narinig ako: Blind Item para kay Gummy Candy! (susyal! Sikat na sikat siya!)

Pumasok ako ng maaga-aga ngayun...dahil nais kong makihalubilo sa aking mga kapamilya ng matagal tagal. Syempre...hindi ko maaring kaligtaan ang basahin muna ang aking mga email. Naisip ko kasi na kailangan kong magbura ng ilang email galing sa GDC dahil siguradong sandamakmak na naman iyon.

At hayun na nga...sunod-sunod na delete button ang aking pinindot ng biglang madaan ng aking mata ang isang "DA WHO EMAIL".

Ito ang exerpt nung email:
Subject: dA wHO.....

DA HU………..(MY FIRST TIME)

DA HU ANG SUPPORT NA HINDI SUMABAY SA AMIN KAGABI SA PAGUWI DAHIL HINTAY NYA SI FIREWALL………….hhhhhmmmmmmmmmmm….tinawagan pa si missis – OVERTIME DAW!!!!!!!!!!!!!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHA



Natawa ako...at tamang tamang katabi ko noon si Gummy Candy...at agad kong sinabing:

Blogger: Ikaw na naman ang nandito!!! Wahahaha

Hindi umimik si Gummy Candy...naisip ko na busy siya kaya di siya nag-comment. Pero naisip ko rin na wala ng tatalo sa kanya...grand slammer na nga sa DA WHO email...grand slammer pa sa blog ko!!! Waheheh...ibang lebel na talaga si Gummay Candy. Isa siyang STAR!!!

Akala ko'y duon na nagtatapos ang kwento...hindi pa pala. Hinila ako sa tabi ng mga Citadel Girls. Naghahagikgikan sila kaya ako naman ay nagtanong...

Blogger: Bakit? Bakit? Ano nangyayari?
Baby Boy Glo: I'm sorry coach...I did not give you a head's up.
Blogger: Head's up san?
Ms. Phone Giver: Kasi nung si-nend ni Miss Highschool Girl yung DA WHO email, andito si Firewall...at nakita at nabasa niya yung email.
Mango Girl: Coach, nag-away ata sila ni Gummy Candy dahil dun eh.
Baby Boy Glo: Tapos ikaw naman...pinaalala mo pa sa kanya na siya na naman yung nasa email.
Blogger: Huwaaat? Hala...sorry...pero ..wait lang. Ba't naman nagalit si Firewall?
Miss HHWW: Kasi Coach, the truth hurts!

Hayun na nga....
Hayzzz.....ito lang masasabi ko kay Gummay Candy...baka oras na para si Miss Batch 14 naman ang iyong diskartehan.

No comments: