Thursday, June 5, 2008

THE Secret's OUT!

Scenario: seryoso ang lahat...nakikinig ng masinsinan sa trainer namin....nang biglang....may kumatok at pumasok si Apple Cinnamon....

Apple Cinnamon: So....I did not know that I was Apple Cinnamon!

Blogger: (nagdilim ang paligid...parang may apoy na biglang lumiyab sa aking dibdib...pakiramdam ko'y nalulusaw na ako...ang aking tenga ay namula ng todo...at akala ko'y lalabas na ang aking puso sa aking lalamunan sa pagkagulat. Lahat na ng uri ng CCF ay biglang nagkabuhay sa aking imahinasyon...OOOOMMMMGGGGG!!!!).


At hayun na nga....

Hindi ko na namalayang tapos na pala ang training...

Hindi rin ako sigurado kung galit si Apple Cinnamon...


Kinausap di ako ni Chocolate Mallows tungkol dito....at tinawanan niya ako.

Hay lord...

No comments: