Tuesday, June 10, 2008

Si MG1 at MG2 - their making porma!!??!!

Ako'y nagmamadali...alas sais palang naman pero marami akong gustong gawin. Yung 90 day tracker ay 10 years in the making na. Ni hindi ko pa nakakalahati!!!

Napansin ko si Manong Guard 1...pagbaba ko palang sa taxi ay nginitian na ako. At nang ako'y tumapat sa kanyang "Sensing Organ" (sorry...di ko alam yung tawag dun eh..)..sinabihan niya ako ng "Hi Ma'am, papasok na ba kayo?"

Gusto ko siyang birahan ng: "Uhm...ako papasok? Hindi noh! Kabababa ko lang galing taxi at maganda ang bihis ko..pero pauwi na ako."

Pero...naalala ko ang pangaral ng aking ina: "Anak, kung hindi maiintindihan ng tao yung insulto...manahimik ka nalang...kasi magsasayang ka lang ng laway..." (eheheheh...joke lang...di kadi yun sinabi ni Mami....baka mabasa niya pa ito, batukan pa ako).

Ngumiti nalang ako kay Manong Guard 1 at tumuloy na akong nag-sign sa may logbook. Nakalimutan kong kapuso na pala ako...kaya inulit ko ang aking lagda sa logbook ng GMA. Habang ginagawa ko ito, napansin ni Manong Guard 2 ang di ko pag-imik sa kumento ni MG1...tinawanan ang kasama at biniro siya sa wikang Ilokano...

MG2: "Ahahaha...data ngamin! Tagalog nga kasaritam ketnu Inglis Spoken data!"

Akala siguro nila ay di ako nakakaintindi..pero deadma nalang ako. Habang hinahalukay ko ang aking bag para sa aking ID...heto ang di ko kinaya....

MG2: Uhm , mum...you want me cary your bag por you?

JUICE KOH!!!! Mabuti nalang at hindi naalis ang takong ng mumurahin kong sandalyas.....muntik na akong madulas at mapadausdos!!!! Huwwaaaaaaa!!!!
Hayan, may paksa tuloy ako sa blog ko (wink, wink)

No comments: